Kausap Pinapakalma ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, hepe ng MPD Barbosa PS14, ang amang hinostage ang anim na anyos na anak na babae na matagumpay na nasagip ng mga pulis. Kuha ni JON-JON C. REYES

6-ANYOS HINOSTAGE NG AMA!

March 29, 2023 Jonjon Reyes 904 views

Babaeng paslit tinutukan sa batok ng tari ng manok

HINDI makatakas ang anim na taong gulang na babae. Nakatutok sa kanyang batok ang tari ng manok. At hostage siya ng kanyang ama sa loob ng isang kuwarto.

Ang insidente ay naganap Martes ng hapon sa isang gusali sa MF Jhocson Street, Sampaloc, Manila.

Agad natimbog ng mga mga pulis sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng Manila Police District- Barbosa Police Station 14, ang suspek na si John Eric Morales, 31, may ka-live- in, residente ng M.F Jhocson Street , Sampaloc.

Bandang 2:57 p.m. nang makatanggap si Police Staff Sargent Dave Pamintuan ng tawag ukol sa hostage-taking na nagaganap sa roof deck ng A.P Morales Rental Building sa Barangay 308.

Agad rumesponde si Mupas, Police Captain Francisco Salazar, hepe ng UBA PCP at mga operatiba ng Tactical Motorized Rider’s Unit (TMRU).

Habang nasa kuwarto ang mag-ama ay nakipag-usap sa suspek ang partner at anak na binatilyo nito.

Nang bumukas ang pinto ng silid ay sumenyas ang ginang sa mga operatiba na at sinungaban ang suspek. Binawi sa kanya ang tari at matagumpay na nailigtas ang biktima.

Pinakalma ng mga kapulisan ang suspek habang pinoposasan ito bago dinala sa pagamutan para sa kanyang lkaligtasan at pangunahing medikal.

Ayon sa suspek walang siyang balak saktan ang anak at ninais lamang nitong kausapin ang kanyang asawa dahil sa nag-away sila.

Matapos ipa-medical checkup ay dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sampahan ng mga kaso..

Agad napasugod si MPD Director Police Brig. General Andre P. Dizon sa pinangyarihan lugar pasalamatan at purihin ang mga kapulisan ng Barbosa PS14 dahil sa matagumpay na pagsagip sa hostage victim.

AUTHOR PROFILE