Suarez Deputy Speaker and Quezon Province Rep. David “Jayjay” SuarezSource: File photo from David Jayjay Suarez FB

4M PINOYS ‘NANAKAWAN’

March 21, 2024 People's Tonight 103 views

DS Suarez: Pag-realign ng P13B 4Ps program mistulang apat na milyong Pinoy ‘nanakawan’

SINABI ni Deputy Speaker and Quezon Province Rep. David “Jayjay” Suarez na ang desisyon ni Sen. Imee Marcos na i-realign ang P13 billion sa 2023 national budget para Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay parang pagnanakaw na rin sa apat na milyong mahihirap na Pilipino.

Sa briefing ng House Committees on Public Accounts and Social Services sa privilege speech ni 4Ps Partylist Rep. JC Abalos sa naturang alignment, kinumpirma ni Suarez mula kay DSWD Sec. Rex Gatchalian ang diumano’y ginawang realignment ng pondo ni Sen. Marcos noong 2023 sa ibang social amelioration programs.

“Lumabas ‘yung House version natin, maintained intact ‘yung pera ng 4Ps. Now I don’t know what happened in the Senate, why all of a sudden P13 billion was slashed. At dahil sa P13 billion natanggal, mayroon 843,000 Filipino families, which is around four million poor Filipinos, ang hindi nakatanggap dahil sa budget cut,” Suarez said during the hearing.

“Ayun ang malungkot. Ngayon hindi ko alam kung paano natin ilalarawan ang isang sitwasyon na ninakawan natin ang isang mahirap. Kasi kalimitan, ang mga mayaman ang ninanakawan. Kaso lang hindi dapat ninanakawan ang mahihirap. Kasi wala na nga silang pera,” ang malungkot na pahayag ni Suarez

“Tatanggalan pa natin sila ng dapat nila matanggap. Sa palagay ko, hindi kaya ng sikmura ko yan,” dagdag pa nia.

Gatchalian, sa pagsagot sa mga tanong ni Suarez, ay nagsabing ang 4Ps program ay hindi lang amelioration program ng DSWD, kundi base rin ito sa batas.

Dagdag niya ang layon nito ay ay para ang mga “enrolled families to literally cross the threshold of being impoverished and break intergenerational poverty.

“Dapat ‘yung matatanggap nila buwan-buwan, natatanggap nila. Yung assistance na dapat matanggap nila, natatanggap nila. Kasi oras na may pagkakataon na mayroong puwang o may gap doon sa buwan na hindi nila natanggap, pwedeng lumala yung level ng kahirapan nila,” tanong ni Suarez, na sinagot ni Gatchalian ng oo.

“Kumbaga, unti-unting po natin silang inaakyat. Tapos mabutasan ka na ng ilang buwan, babalik na naman sa stage 1 yun,” ani Suarez.

“That’s correct. Malulubog sa utang or so and so forth,” sagot ni Gatchalian.

Sinabi rin ni Suarez na hindi niya maintindihan kung bakit ni-realign ang budget.

“Kaya nga hindi ko po masikmura yun ang nangyari na bakit natin ninakawan ng pondo ‘yung mga mahihirap,” diin ni Suarez

Ani Abalos, na nag-privilege speech ni kiniquestion ang realignment, na dahil sa realignment “the deficit of DSWD in the 4Ps program increased to a whopping P9 billion.”

Tinukoy ni Abalos ang press release mula sa Senado kung saan inamin ni Sen. Marcos na binawasan ang 4Ps budget at inilipat ito sa ibang amelioration program of the DSWD.

“Kung titingnan po natin ang nakasulat dito sa isang press statement sa Senado, nakalagay po diyan, ni-recommend ang pagtapyas ng P8 billion dahil nga daw mababa ‘yung utilization rate and ini-align ito sa mga ibang programa ,which are CALAHISIDS, AICS, saka sa mga quick response natin sa mga calamity,” sabi ni Abalos

“So, tingin ko po, kung hindi sana natapyasan ng walong bilyon ang budget ng taong ‘yun, ‘yung deficit ng DSWD, sana isang bilyon na lang. Ngayon, dahil natapyasan, umabot po ng P9 billion,” dagdag niya.

AUTHOR PROFILE