Robin

Cannabis legalization bill suportado ni Sen. Bato, 11 pang sens

March 21, 2024 PS Jun M. Sarmiento 63 views

SUPORTADO ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang kontrobersiyal na panukala ni Sen. Robinhood Padilla na gawin ng legal ang paggamit ng cannabis or marijuana bilang gamot sa mga itinuturing na debilitating illnesses.

Sa kanyang co-sponsorship speech ng Senate Bill No. 2573 o Cannabis Medicalization Act, pinuri ni Dela Rosa si Padilla dahil sa panukala nito.

Inilahad ni dela Rosa ang Section 2 ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kung saan ay isinasaad ang mga sumusunod: The government shall however aim to achieve a balance in the national drug control program so that people with legitimate medical needs are not prevented from being treated with adequate amounts of appropriate medications, which include the use of dangerous drugs.”

Bukod kay dela Rosa at Sen. Padilla, 11 pa ang nagpakita ng suporta at pumirma sa Senate committee report sa legalisasyon ng cannabis or marijuana na magsisilbing gamot at tulong sa mga may malulubhang karamdaman.

Sa nasabing panukala, nakapaloob din dito ang pagtatayo ng Philippine Medical Cannabis Authority na pamumunuan ng Department of Health.

Kabilang sa sumuporta sa Senate Health Committee report no 210 sina: Sens. Bong Go, Sonny Angara, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Mark Villar, Lito Lapid, Raffy Tulfo, Ramon Bong Revilla, Aquilino Koko Pimentel III, Joel Villanueva at Grace Poe.

Sakaling maging batas, magiging prescription drug na ang cannabis pero tanging ang may special na lisensyang doctor lamang ang pwedeng magbigay ng reseta partikular sa mga pasyente na malala na ang sakit.