Bomb MAG-INGAT–Sinabi ni San Pedro City, Laguna Mayor Art Mercado na dapat maging maingat at huwag mag-panic sa mga online bomb threat.

4 San Pedro schools may bomb threat; klase na-dismiss

February 20, 2024 Gil Aman 131 views

BINULABOG ng bomb threat noong Lunes ang apat na eskwelahan sa San Pedro City, Laguna na nakuha sa FB page ng mga eskwelahan na naging daan para sa early dismissal ng mga estudyante.

Base sa ulat ni P/Lt.Col. Tyrone Valenzona, hepe ng San Pedro police, galing ang bomb threat sa isang Vamir Muhammad.

Nabasa sa FB page ang threat bandang alas-8:00 ng umaga, ayon sa impormasyon.

Pina-evacuate ang mga estudyante ng Pacita 1 Elementary School, Pacita National High School, Landayan Elementary School at Chrysanthemum Elementary School at tuluyan nang pinauwi ang mga estudyante.

Pinamunuan ni P/Major Carlo Santos ang validation ng threat na napatunayang negative matapos ang ilang oras.

Matapos ang beripikasyon sa negatibong bomb threat, mismong si Mayor Art Mercado ang nagsuspinde ng klase para sa kaligtasan ng mga estudyante.

Pinaalalahanan din ng alkalde na maging maingat ang lahat lalo na sa mga impormasyon na makukuha online.

AUTHOR PROFILE