Motor

Motor sumabit sa trak, backrider tigok

February 20, 2024 Jojo C. Magsombol 90 views

TIGOK ang 14-anyos na backrider ng sumabit ang sinasakyang motorsiklo sa truck sa Brgy. Guitna, Agoncillo, Batangas noong Sabado.

Nasawi si Jericho Tenorio Moreno, estudyante, at residente ng Brgy. Wawa Ibaba, Lemery, Batangas.

Ayon sa police report, tumatakbo ang motorsiklo na minamaneho ng 51-anyos na lalaki at mixer-truck (AIA 9745) papuntang Laurel, Batangas bandang alas-10:00 ng umaga nang aksidenteng magkasabitan.

Nawalan ng kontrol ang rider ng motorsiklo na naging sanhi ng pagkasabit ng backrider na tumapon mula sa kinauupuan at bumagsak sa kalye.

Dinala ng rescue vehicle team ang duguang backrider sa Batangas Provincial Hospital sa Lemery, Batangas at doon idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Ramon Sixto Castillo.

AUTHOR PROFILE