Bata, 8, nalunod sa Tarlac beach
ISANG 8-anyos na batang lalaki ang nalunod noong Lunes sa beach sa San Jose, Tarlac.
Kinilala ng Tarlac police ang biktima na si Lawrence Carreon ng Brgy. Labney, San Jose, Tarlac.
Ayon sa ulat, nakita ng pinsan ng biktima na si Ryan Asio ang bata na sinusundan ang kanyang lola sa Saipan Beach sa Brgy. Iba, San Jose, Tarlac.
Makalipas ang ilang minuto, hindi na mahanap ng mga kamag-anak ang bata kaya humingi sila ng tulong sa barangay rescue team.
Kalaunan, natagpuan ang walang malay na bata at isinugod sa Tarlac Provincial Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival na.