Fire

4 natusta, 8 sugatan sa Cebu fire

February 27, 2024 Zaida I. Delos Reyes 90 views

APAT ang patay at walo ang nasugatan sa nasunog na bahay noong Martes sa Tinago, Cebu City.

Tustado na nang matagpuan ang bangkay ng mag-asawa na sina Paulito Otadoy, 60, Rosita, 54, at mga anak na sina Joseph, 14, at Jeffrey, 12, ilang oras matapos ang sunog na nagsimula ala-1:46 ng madaling araw.

Sugatan sina Sean Roby Ruelan, Rose Ann Otadoy, Jemar Otadoy, Emarie Otadoy, Keura Marie Otadoy, Neil John Otadoy, Christopher Otadoy at Dylan Otadoy.

Batay sa ulat ng Cebu City Fire Station, mabilis na kumalat sa 15 lima pang bahay ang sunog na nagsimula sa bahay ng mag-asawang Otadoy. Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog at naapula matapos ang halos apat na oras.

Sa 16 na nasunog na bahay, 13 ang tuluyang nilamon ng apoy.

Umabot sa 90 indibidwal ang apektado ng sunog at tinatayang nasa P7.05 milyon ang halaga ng ari-arian na tinupok ng apoy.