Rice Sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., pinangunahan Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Agusan Del Norte 1st District Rep. Jose “Joboy” Aquino ll, Gov. Angelica Amante-Matba, Butuan City Mayor Ronnie Vicente Lagnada ang pamimigay ng Cash and Rice Distribution (CARD) Program sa 3,000 residente ng Agusan Del Norte na nasa vulnerable sectors – ang mahihirap na senior citizens at indigenous people. Nasa event din sina 63 District at Partylist House Members na sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe at Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.

3K taga-Agusan del Norte may cash aid, bigas mula sa CARD initiative ni Speaker Romualdez

March 22, 2024 People's Tonight 82 views

Rice1Rice2UMABOT sa 3,000 residente ng Agusan del Norte ang nabigyan ng tulong sa ilalim ng Cash and Rice Distribution (CARD) Program, isang inisyatiba ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na kanyang tugon sa hamon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga mahihirap at bulnerableng sektor ng lipunan.

Inilungsad ang CARD program sa Provincial Capitol Gym sa Butuan City noong Marso 22, kasabay ng pagdating ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.

“Kagalakan po namin na makasama kayo ngayong araw upang maghatid ng pag-asa sa aming mga kababayan sa CARAGA Region. Narito po kami dahil tapos na po ang panahon kung saan ang inyong mga pinuno ay hindi nakikita o nakikita lamang tuwing kampanya,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong 300 miyembro.

“Narito kami dahil nais naming masigurado na ang mga batas na aming binabalangkas, kasama dito ang paglalagay ng pondo sa mga programang tumutulong sa taongbayan, ay talagang natutupad at nararamdaman ng mamamayan. Kasama po ito sa aming sinumpaang tungkulin,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Ang CARD program ay brainchild ni Speaker Romualdez bilang tugon sa hamon ni Pangulong Marcos upang matulungan ang mga mahihirap na apektado ng pagtaas ng presyo ng bigas.

Dumalo rin sa event sina Sen. Bong Revilla, Agusan del Norte Rep. Jose “Joboy” S. Aquino, at mahigit 60 miyembro ng Kamara.

Ang mga benepisyaryo ay tumanggap ng P3,000 ayuda mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development. Ito ay binubuo ng 25 kilong bigas na nagkakahalaga ng P1,000 at P2,000 pera na pambili ng iba pang pangangailangan.

Mayroon ding nagbenta ng bigas sa halagang P40 sa event para sa mga nais na bumili.

“Sa programa po na CARD, tinutugunan po ng pamahalaan ang naisin ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos na walang magugutom, at ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay palaging abot-kamay ng karaniwang tao,” sabi ni Speaker Romualdez.

“Sa umaga pong ito, mabibigyan po kayo ng bigas at dagdag-pondo na puwedeng gamitin para makapag-simula ng kabuhayan. Isa lamang po ito sa maraming programa ng pamahalaan na tumutugon sa inyong pangangailangan,” dagdag pa nito.

“Kami po ay magpapatuloy sa aming pagi-isip at pagpapatupad ng iba pang programa para sa inyong pag-asenso, para kami ay manatiling karapat-dapat sa inyong tiwala,” saad pa ng lider ng Kamara.

Sinimulan ang CARD program noong nakaraang taon.

“Umasa po kayo na ang inyong lingkod, kasama ng aking mga kapwa mambabatas sa Kamara de Representante, ay magta-trabaho ng mas masigasig upang mas marami pang mga Pilipino ang matulungan na makamit ang kanilang pangarap na mas magandang buhay,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

AUTHOR PROFILE