Lucas Ipinapaliwanag ni PBGen. Lucas ang relief order laban sa mga suspek na pulis. Kuha ni GIL AMAN

3 pulis, 4 na John Doe kinasuhan ng pagnanakaw

March 6, 2024 Gil Aman 123 views

TATLONG miyembro ng Philippine National Police (PNP) at apat na John Doe ang kinasuhan ng robbery in band dahil sa nangyaring nakawan sa bahay ng isang Indonesian national sa Kawit, Cavite noong Pebrero 13, 2024.

Nasa regional holding area ng Camp Vicente Lim, Canlubang,Laguna ang tatlong suspek habang dinidinig ng IAS ang kaso.

Sa press conference na pinangunahan ni PBGe. Paul Kenneth Lucas,Regional Director PROIVA, ang mga suspek ay kinilalang sina PSenior Master Sgt.J hon Paolo Naigue Mellona, police Senior Master Sgt. Reynaldo Andrada Quilat Jr., na naka-assign sa Provincial Intelligence Unit sa Cavite PPO, at Police Cpl. Lynard Pastrana Parejia na naka-assign sa Privincial Drug Enforcement Unit ng Laguna PPO.

Isinampa noong Lunes sa Cavite Prosecutor’s Office sa Imus, Cavite, ang mga kaso laban sa mga akusado,

Agad ni-relieve mula sa kanilang mga unit ang mga pulis na akusado.

Ayon pa kay PBGen. Lucas, nag-utos na rin ito ng parallel administrative investigation sa nasabing nakawan.

Base sa imbestigasyon pinasok umano ng mga suspek ang Grand Centennial Homes sa Bgy, Magdalo, Potol ,Kawit dakong 5 p.m.

Tinutukan umano ng mga suspek ang mga kasambahay at iginapos ang mga biktima saka kinuha ang mga mahahalagang bahay, mga dokumento, armas at di pa batid na halaga ng salapi.

AUTHOR PROFILE