Mangingisda Source: PCG file photo

3 mangingisda nalambat sa illegal fishing sa Lian

March 6, 2024 Jojo C. Magsombol 104 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas — Tatlong mangingisda ang inaresto ng mga kapulisan matapos mahuling nagsasagawa ng illegal na panghuhuli ng isda sa Brgy. Binubusan, Lian, Batangas, ayon sa report ni Batangas police director P/Col. Samson B. Belmonte kay Police Regional Office (PRO) Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) Regional Director P/Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas.

Ang mga suspek ay nakilalang sina lyas Albert, 34, alyas Necomedes, 50, at isang alyas Jerry, 33, lahat binata, at residente ng Sitio Aplaya, Brgy. Balibago, Lian, Batangas.

Ang tatlong suspek ay naaresto sa operkasyon na isinagawa alas-11:35 ng hapon noong Marso 5, 2024 ang mga miyembro ng CGSS Lian sa pamumuno ni CGPO1 Julius Panopio, sub-station commander, RMFB 403rd MC led by PCpl Joman Nagac, miyembro ng Lian town Bantay-Dagat, mga pulis ng bayan ng Lian sa pangunguna ni PMAJ Ferdinand B. Vergara, acting chief of police.

Narekober sa tatlo ang dalawang botelya ng explosive na may filter at fuse, isang set ng fish finder, illegal compressor para sa pag-sisid sa dagat, bangka at iba pang mga gamit.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga kapulisan para sa tamang proseso at disposisyon habang ang mga lokal na pulis ay nakipag-ugnayan sa PECU para sa turn-over ng mga nakumpiskang explosives.

AUTHOR PROFILE