Default Thumbnail

2nd booster para sa seniors, health workers, ‘chiking bakunation’ sa LP magsisimula na

May 20, 2022 Edd Reyes 242 views

AARANGKADA na ang pagbabakuna para sa ikalawang booster shots ng mga senior citizen at health workers sa Lungsod ng Las Pinas.

Una rito’y pinulong muna ni Vice Mayor April Aguilar ang mga doktor ng City Health Office na pinamumunuan ni Dra. Julie Gonzalez upang mailatag ang magiging paghahanda ng lungsod sa pagtuturok ng ikalawang booster shots sa mga senior citizens at mga health workers na magsisimula na sa Lunes May 23,2022.

Nais malamang mabuti ng bise alkalde ang pamamaraan sa pagbabakuna ng 2nd booster at binigyang diin nito na nais nila ni Mayor Mel Aguilar na maipaabot at maipaliwanag din ng maayos sa lahat ang mga dapat malaman upang mawala ang pag-aalinlangan, takot at pagdududa ng kanilang mga kababayan.

Ang mga A1 at A2 na maaari ng mabigyan ng 2nd booster ay makakatanggap ng mensahe sa pamamagitan ng text upang malaman ang lugar at oras ng kanilang bakuna. Iminungkahi rin ni Vice Mayor Aguilar na magbubukas muli ang community sites sa Verdant Covered Court, Golden Acres Covered Court, Almanza Uno Covered Court, San Antonio Covered Court, Bambusetum Covered Court, Gatchalian Covered Court at T.S Cruz Covered Court bilang karagdagang vaccination sites na gagamitin sa 2nd booster shot.

Bukod pa rito pinaghahandaan din ng lokal na pamahalaan ang “Chikiting BakuNation” na isasagawa naman sa Mayo 30 hanggang Hunyo 10, 2022 sa buong Metro Manila kabilang ang Las Piñas. Target ng programang ito na makapagbakuna ng mga sanggol na may edad mula 0 hanggang 23 buwan na gulang.

Ang mga bakunang maaaring ibakuna sa mga sanggol ay ang mga sumusunod: BCG o bakuna kontra TB, Penta-hib o 5in1, Oral Polio at bakuna kontra tigdas. Upang mas mabilis na maipaabot sa mga magulang na may anak tulad sa nasabing edad, inatasan ni Vice Mayor ang City Health na gawing bahay bahay ang pagbabakuna kung saan ang mga tauhan at medical staff ng bawat barangay health center ang magsasagawa nito sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Hinihikayat ni Mayor Aguilar ang lahat na makiisa sa mga programang pangkalusugan ng lungsod na aniya ay makakapagdagdag kaligtasan at iwas sa mga sakit na maaaring kumalat sa panahon ng tag-ulan.

Paarala pa ng alkalde ab ni Vice Mayor Aguilar, ugaliin ang palagitan pag-iingat at panatilihin ang disiplina sa lahat ng oras. Ni EDD REYES

AUTHOR PROFILE