Default Thumbnail

24 katao nailigtas mula sa nasirang PH vessel sa Malaysia

February 28, 2023 Zaida I. Delos Reyes 196 views

NAILIGTAS ng mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao sa pamamagitan mg Naval Task Group Tawi-Tawi ang pitong crew at 17 pasahero na lulan ng barko ng Pilipinas na nasiraan sa karagatang sakop ng Tanjung Labian, Malaysia nitong Pebrero 26.

Ayon kay Ens. Nino Fernando A. Cupan, acting Public Affairs Officer ng Naval Forces Western Mindanao, nakatanggap ng distress call ang Maritime Situational Awareness Center-Western Mindanao (MSAC-WM), LMS Bongao mula sa ML Rihana.

Naka-encounter umano ng engine trouble ang ML Rihana dahilan upang magpalutang-lutang sila sa bisinidad ng 4.5 NM northeast off ng Tagupi Island, Malaysia nitong Pebrero 24.

Sa pakikipagtulungan sa Royal Malaysian Ship (RMN) Tosak, ang nabalahaw na barko ay nahila patungo sa anchorage area sa Tanjung Labian, Malaysia.

Ang NFWM ang nakipag-ugnayan sa JTF Tawi-Tawi na agad na nag-deploy ng BRP Florencio Iñigo (PC393) patungo sa lokasyon ng nasiraang barko.

Dakong 1:50 ng umaga nitong Pebrero 26, nailigtas at nabigyang ng karampatang tulong ang 24 indibidwal at nahila ang barko patungo sa wharf sa Bongao, Tawi-Tawi.

Ang mga nailigtas ay sina Abdulmar Maih, 47; Ramon Kahal, 63; Michael Duol, 51; Marco Bakuna, 22; Jorimar Maih, 24; Kalid Hassan, 17; Iyah Kahal, 45; Apidul Saidul, 53; Adin Apidul, 14; Said Paldon, 16; Ademar Omar, 18; Ebrahim Daud, 17; Marjok Masilin, 33; Fahad Gabir, 17; Munhamir Sajili, 17; Muslimin Askalani, 20; Shernalyn Isa, 30; Sabre Mujib Atara, 30; Darwin Moha, 19; Silma Moha, 30; Sulanri Moha, 17; Tran Vintan, 17; Kadefar Moha, 3; at Yahcob Majidul, 23.

mga biktima ay binigyan ng atensiyong medikal bago inilipat sa barko ng Philippine Navy patungo sa JTF Tawi-Tawi, PDRRMO, at DSWD Tawi-Tawi para sa kaukulang disposisyon.