PDEA Naki pag ugnayan ang mga operatiba Ng PDEA Kay PLt.Col.Roberto Mupas.matapos na magsagawa ng joint operation at mapayapang naaresto Ang mga suspek at kabilang ang Isa sa mga ito ay nasa listahan ng Top 9 High Value Individual Regional Level..Photo by JON-JON REYES.

2 tulak timbog sa test buy

June 29, 2023 Jonjon Reyes 409 views

PDEA1NATIMBOG sa isang joint operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14 ang dalawang umano’y tulak sa isang buy-bust operation sa A. Mendoza at Paredes Streets, Barangay 464, Sampaloc, Manila kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang hinihinalang tulak na si John Paul Gozon, 24 anyos, o kilala din sa alyas na “JP,” nakatira sa Sampaloc, Manila.

Ayon sa pulisya, kaanib sa Castillo Drug Group na sinasabing nasa top 9 ng high value individual targets ng Philippine Drug Enforcement Agency ( PDEA) ang suspek.

Timbog din ang kasamahan ni JP na nakillang si alyas ” Omar, 46, may asawa, walang trabaho at nakatira sa paligid ng Golden Mosque, Barangay 384, Quiapo, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Robert Mupas, Station Commander, nahuli ang dalawa bandang 1:10 ng madaling araw.

Bago mahuli ang dalawa, nakakatanggap na ng report mula sa mga “asset” ang malimit na bentahan ng droga sa lugar.

Dahil dito nagsagawa ng test buy sa pamumuno ni Police Major Gil John Lobaton, hepe ng SDEU, sa nasabing lugar.

Habang iaabot na ang droga sa nagpanggap na buyer, dinamba na ng mga operatiba ng PDEA at SDEU ang dalawa.

Nakuha sa dalawang suspek ang apat na nasa plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng isang gramo na may street value na P6,800.

AUTHOR PROFILE