2 presong MWPs sa Pasay, Caloocan kalaboso ulit

June 25, 2022 Jonjon Reyes 88 views

DALAWANG “most wanted person” (MWPs) ang “kalaboso” ulit sa mga bagong arrest warrant at isinilbi ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station 11 sa magkahiwalay na kulungan sa lungsod ng Pasay at Caloocan kamakailan.

Unang nagtungo ang MPD-Binondo Police Station 11 sa Pasay City Jail na pinangunahan ni P/Capt. Fredwin Sernio ng Warrant Section, kasama si P/Capt. Joselito Delos Reyes – kapwa mga tauhan ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., Station.11 commander at maging si P/Maj. Ronilo Aquino ng Regional Mobile Force Batallon (RMFB) ng 4th MFC nang ihain ang warrant of arrest laban sa suspek na si alyas “Anding”, ng 29th Villamor, Lungsod ng Pasay.

Ang warrant ay ibinaba ni Presiding Judge Marjorie Almojera Madrid-Songgadan ng Regional Trial Court (RTC) Br. 117 dahil sa kasong paglabag sa Article 294 “Robbery with Violence Against or Intimidation of Person” ng Revised Penal Code.

Nagtungo din ang grupo sa Caloocan City Jail dakong alas-5:00 ng hapon bitbit ang arrest warrant ng suspek na si alyas “Gil” na taga-Caloocan rin.

Si Presidng Judge Rosalia Hipolito-Bunagan ng RTC Br. 232 ng Caloocan City ang nag-isyu ng warrant of arrest laban kay “Gil” sa kasong paglabag sa Section 3 ng Republic Act 10883 (New Anti- Carnapping Law) na may piyansang P300,000.

Ang suspek na tubong Pasay ay nasa top 19 na most wanted sa station level, habang si alyas “Gil” naman ay nasa top 20 station level sa Caloocan.

AUTHOR PROFILE