Default Thumbnail

2 miyembro ng ‘akyat-bahay’, tiklo sa MPD

June 19, 2023 Jonjon Reyes 327 views

SWAK sa rehas na bakal ang dalawang lalaki na sinasabing kaanib ng “akyat-bahay” gang matapos makalawit ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Barbosa Police Station (PS) 14 matapos magpositibo sa quick response at follow-up operation ng pulisya.

Sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, sinasabing dati pa umanong lumilinya ang dalawa sa lugar ng Sampaloc at Quiapo upang makapagnakaw diumano sa mga kabahayan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kung may iba pang kasamahan ang mga suspek.

Nabitag ng mga operatiba ang dalawa dahil na rin sa pagpapatupad ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO).

Kabilang din ito sa direktiba ni MPD director PBGen. Andre P. Dizon, matibay na ugnayan ng Barbosa PS-14 bilang pagsunod sa “Serbisyong Nagkakaisa” at “5-point agenda” ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. at National Capital Region Police Office (NCRPO) PMGen. Edgar Alan Okubo.

Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ng biktima dahil sa mabilis na aksyo ng pulisya na nagresulta sa pagkadakip at pagkabawi sa gamit na tinangay ng mga suspek.

AUTHOR PROFILE