Default Thumbnail

2 lalaking naglilinis ng septic tank tigok

August 4, 2023 Zaida I. Delos Reyes 364 views

DALAWANG lalaki ang nasawi habang naglilinis ng septic tank ng isang mall sa Laguna nitong Miyerkules ng umaga.

Nakilala ang mga biktima na sina Jeric Salvador at Rommel Lauzon, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Santa Rosa City, Laguna.

Ang mga biktima ay plumber at de-clogger ng isang subcontractor company na naglilinis ng mga septic tank.

Sa imbestigasyon ng Sta. Rosa City Police, dakong 6 ng umaga nitong Miyerkules nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa loob ng septic tank na nasa parking lot ng mall.

Agad namang humingi ng tulong ang security guard ng mall sa mga alagad ng batas.

Hinala ng mga imbestigador, posibleng na-suffocate ang dalawa habang naglilinis ng tangke.

Napag-alaman pa na 9 ng gabi nitong Martes nang simulang linisin ng dalawa ang naturang septic tank.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.