MPD WORK HARD–Nagpaabot ng mensahe si MPD Chief Police Colonel Arnold Thomas Ibay sa mga pulis na magtrabaho nang maayos sa kanilang mga area of responsibility para maging komportable ang mga mamamayan ng Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

2 kelot tiklo sa patalim

October 23, 2023 Jonjon Reyes 203 views

DALAWANG lalaki ang natiklo ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) dahil sa dalang patalim sa checkpoint ng MPD-Barbosa Police Station 14 sa Legarda St. malapit sa Lacson St., Sampaloc, Manila noong Linggo.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Alfredo, 60, at alyas Jeffrey, 26, ng Binondo, Manila.

Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Julius Caesar Cedazo at Police Corporal Ireneo Maglipas Jr., nakatalaga sa Mendiola Police Community Precinct, bandang 2:30 ng madaling araw nang matimbog ang dalawa sa naturang checkpoint dahil sa dalang kitchen knife.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 4136, B.P. 6 (Illegal Possession of Deadly Weapon) at Omnibus Election Code.

Nagpaabot ng mensahe si MPD District Director Police Colonel Arnold Thomas Ibay sa mga pulis na lalo pang paigtingin ang pagbabantay at pagpapatrulya sa kanilang mga nasasakupang lugar.

AUTHOR PROFILE