Robbery TAPOS–Wala nang nagawa ang dalawang robbery suspek matapos arestuhin ng mga operatiba ng MPD Station 2. Kuha ni Jon Jon Reyes

2 arestado sa pagnanakaw sa Binondo

August 5, 2023 Jonjon Reyes 542 views

SWAK sa selda ng Manila Police District-Moriones Police Station 2 ang dalawang lalaki na suspek sa kasong pagnanakaw sa Lavesarez St., Binodo, Manila noong Miyerkules.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., hepe ng MPD Moriones PS 2, ang mga naaresto na sina Prince Kian Hijie alyas ‘Niko,’ ng Brgy. 105, Tondo, Manila at Jason Trosado alyas ‘Yuri.’

Base sa ulat nii Police Capt.Robert Datu, hepe ng warrant\Intel section, nahuli ang dalawang suspek bandang alas 11:45 ng tanghali noong Miyerkules.

Namataan ang mga suspek sa nasabing lugar kaya agad na dinampot ang mga ito.

Nahuli ang mga suspek dahil sa ipinaiiral na Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation at Oplan Galugad ni MPD Director PBGen. Andrei Dizon.

AUTHOR PROFILE