Jobfair

100 job hunters nagkatrabaho sa Caloocan job fair

February 16, 2024 Edd Reyes 120 views

HALOS 100 aplikante ang nagkaroon agad ng trabaho sa mega job fair sa SM Grand Central na inorganisa ng Caloocan sa pakikipagtulungan sa Public Employment Service Office (PESO) at SM Supermall noong Biyernes.

Ayon kay Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, libu-libo pang trabaho ang alok ng may 22 kumpanya na lumahok sa job fair mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Kasama ang mega job fair sa pagdiriwang ng ika-62 taong anibersaryo ng Caloocan City, ayon kay Mayor Along.

Sinabi pa ng alkalde na kabilang sa negosyo na sumali sa job fair ang retail, paglikha at paggawa ng mga produkto, industriya ng serbisyo, transportasyon at mga nasa finance services.

Kasama sa mga trabahong nakuha ang clerk, cashiers, baggers, manggagawa sa pabrika, accounting staff, customer service staff, delivery riders, logistic staff, information technology support, encoders, marketing staff at tagapamahala ng tindahan.

Nauna ng hinimok ni Mayor Along ang kanyang mga kababayan na samantalahin ang oportunidad na alok na trabaho sa naturang job fair.

AUTHOR PROFILE