UFCC

1% online sellers tax dagok sa publiko — UFCC

May 7, 2023 People's Tonight 409 views

NANAWAGAN ang isang consumer group sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na ibasura ang planong pagpapataw ng one percent withholding tax sa kalahati ng gross remittances ng mga online platforms providers sa kanilang mga online sellers.

Sa isang pahayag, sinabi ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) na ang planong ito ng BIR ay malaking dagok sa mga ordinaryong mamamayan na hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang nakabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ipinangangamba rin ng grupo na pinamumunuan ni Rodolfo Javellana, Jr., na ang panukalang one percent withholding tax ay panimula pa lamang ng mga planong bagong buwis na nakatakdang isulong ng Department of Finance (DOF) na magpapahirap pa sa mga ordinaryong Pilipino.

“Hindi pa po tayo tuluyang nakakabangon mula sa pagkakasadlak ng ekonomiya dulot ng pandemya. Patuloy na naghihirap ang mga kababayan natin dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, gasolina, koryente, at iba pa,” ani Javellana.

“At a time when the country has yet to recover from the crippling effects of the COVID-19 pandemic fully, introducing new taxes that will ultimately hurt the poor is the last thing the country needs right now. Naghihirap ang taumbayan, huwag na sanang dagdagan pa ng pamahalaan,” dagdag pa ng tagapangulo ng UFCC.

Bukod sa one percent withholding tax, inihayag na ng DOF na isusulong ng departamento sa mga susunod na taon ang mga bagong buwis katulad ng motor vehicle road user’s tax (MVRUT), at karagdagang excise tax sa sweetened beverages.

Ang mga nabanggit ay karagdagan sa mga nakabimbing tax reform packages ng nakaraang administrasyong Duterte, kabilang ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act, value- added tax (VAT) on digital service providers, at excise taxes on single-use plasGcs and pre-mixed alcohol.

Umaapela ang UFCC kay Pangulong Marcos na tuparin nito ang kanyang pangako noong kampanya na kanyang poprotektahan ang mga maliliit na negosyante at ang mga ordinaryong mamamayan na sa bandang huli ay sila ang higit na apektado sa mga bagong buwis.

“Naniniwala po kaming tutuparin ninyo ang inyong pangako na hindi kayo pabor sa pagpataw ng mga panibagong buwis na magpapahirap sa mamamayan at sa halip ay tututukan ng inyong administrasyon ang paglaban sa gra] and corrupGon kasabay ng pagsulong ng efficient revenue collecGon,” ani Javellana.

Sinabi pa ni Javellana na ang ang balaking ito ng DOF ay malinaw na lihis at hindi naaayon sa mga binitawang pangako ng pangulo noong election campaign.

“Inaasahan po ng publiko ang inyong tulong sa bagay na ito, Pangulong Marcos. Sana po pakinggan kayo ng DOF at ang BIR,” panawagan pa ni Javellana.

Nakahanda ang UFCC na harangin ang plano ng BIR upang maprotektahan ang interes ng publiko ngunit nanawagan din ang grupo sa mga online selling and services plaIorm providers katulad ng Grab, Gcash, Shopee at Lazada na ipaglaban ang kapakanan ng kanilang mga plaIorm partners at ng mga consumers.

“Be the voice of your partner sellers and merchants as you make representations to the BIR. The consumers are also counting on you,” sabi pa ni Javellana.

Hinikayat rin niya ang BIR na magsagawa ng public hearing at dinggin ang lahat ng panig upang maging “transparent” ang buong proseso.

Base sa draft rule ng BIR na mag-aamyenda sa Revenue Regulations No. 2-98, ang mga online plaIorm provider ay tumutukoy sa mga sumusunod: marketplace plaIorm; food delivery plaIorm or its combinaGon; plaIorm for resort, hotel, motel, inn, and other similar lodging accommodaGons; travel or transportaGon plaIorm; payment/remiHance plaIorm, such as electronic wallet; and other services or product plaIorms.

Sakop nito ang mga online shopping platforms kagaya ng Shopee at Lazada, mga food delivery provider na Grab at Foodpanda, at mga mobile wallets GCash at Maya.

AUTHOR PROFILE