Yen

Yen tampok sa maiinit na kwento ng passion at romance

March 2, 2024 Ian F. Fariñas 322 views

Sisimulan ng Vivamax ang March na may tatlong mainit na kwento ng passion at romance sa iisang pelikula.

Pangungunahan ni Yen Durano ang tatlong istorya sa pelikulang Eks kung saan magkakaibang karakter ang kanyang gagampanan, lahat sangkot sa pag-explore sa art of love and lust.

Napapanood na ito sa Vivamax.

Sa unang istorya, Ekspresibo, na dinirek ni Roman Perez Jr., may isang viral sensation sa social media: Ang parody version ng Mona Lisa painting na tinatawag na Lisa Mona. Ito ay painting ng isang Pinay-looking model na naka-pose gaya ni Mona Lisa.

Tampok sa kwento si Ardo de Leon (Felix Roco), painter sa contemporary art scene. Karamihan sa kanyang mga likha ay nude paintings at sketches.

Si Lisa (Yen) naman, isang magandang ramp model na kapangalan ng painting, ay mai-in love kay Ardo at maaanakan siya nito, bagay na magdadala sa kanila ng mga kumplikadong pangyayari.

Ito ang kwento ng life at art ni Ardo kung saan masasaksihan natin ang kanyang sex adventures at hidden desires mula sa pananaw ni Lisa Mona.

Sa Eksperto, ang pangalawang kwento na dinirek ni Omar Deroca, si Lara (Yen) ay isang freelance influencer na matagumpay sa kanyang trabaho sa lifestyle magazines at online contents.

Pero sa likod ng kasikatan ay may nakatagong katotohanan: Nire-record niya ang kanyang sexual encounters sa kanyang “boy toys.”

Dahil hindi pa handang mag-settle down, mas inuuna ni Lara ang career. Kahit may feelings siya para sa gwapong si Dex (Albie Casiño), isang friends-with-benefits relationship lang ang ibinibigay niya rito.

Magbabago ang lahat nang ikalat ni Dex ang mga private video nila ni Lara sa media. Masisira ang image ni Lara dahil sa obsession ni Dex.

Sa kabila ng pagtatraydor, mag-aalangan si Lara at mapapaisip kung ano nga ba ang mas matimbang: Ang pagkamit niya ng hustisya o ang nararamdaman para kay Dex?

Ang maganda at tomboyish na si Lilac (Yen), isang installation artist, ang sentro ng ikatlong istorya na mula sa direktor na si Sigrid Polon at may pamagat na Eksperimento.

Ang kanyang avant-garde works na nakatuon sa kababaihan at sex ay nagpasikat sa kanya sa local at international art scene.

Si Gabo (Itan Rosales), ang kanyang trainee, ay mai-in love kay Lilac kahit ang meron lamang sila ay isang casual, no-strings-attached relationship.

Ang kanilang mundo ay biglang mababago nang dumating si Akio (Audrey Avila), isang sexually adventurous girl na magpapamulat ng mga panibagong pantasya kay Lilac.

Habang binubuo ni Lilac ang bagong proyekto na Lilim, isang malaking pugad sa gubat kahawig ng isang lady part, titindi ang tensyon sa pagitan nina Gabo at Akio para sa kanyang atensyon.

Magpi-feeling empowered si Lilac sa kumpetisyon ng dalawa.

Yayayain niya sina Gabo at Akio na sabay-sabay nilang yakapin ang konsepto ng intimacy nang walang commitment. Bakit nga ba pipili si Lilac sa dalawa kung pwede naman niyang makuha pareho?

Tatlong wild adventures, lahat mapapanood sa isang kaakit-akit na masterpiece.

Alamin kung paano matatapos ang tatlong kwento sa pamamagitan ng pag-stream sa Eks sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE