Yap: Publiko tulungan din ang gobyerno

August 22, 2021 People's Tonight 97 views

HINIMOK ni ACT-CIS Cong. Eric Yap ang publiko na tulungan ang gobyerno sa paglaban sa COVID-19.

Ayon kay Cong.Yap, kung patuloy na hindi susunod sa mga health protocols ang ilang mamamayan ay hindi bababa ang hawaan ng virus sa ating bansa.

“Kapag tumaas ang COVID-19 sa ating lugar tayo din ang kawawa dahil ila-lockdown ang ating mga tinitirahan” sabi ni Cong.Yap.

Pakiusap ng mambabatas sa bawat indibiwal na palagiang magsuot ng mag-mask, mag-hugas at dumistansiya sa ibang tao kapag lalabas ng bahay.

Sinabi ni Cong.Yap, kahit bakunado na ay nahahawa pa rin, pero hindi na malala na tulad ng mga wala pang bakuna.

“Doon naman sa ayaw magpabakuna, please po, magpabakuna na po kayo para na rin sa inyong sarili at kaligtasan ng iyong mga mahal sa buhay” pahayag pa ni Cong.Yap.

AUTHOR PROFILE