Default Thumbnail

Water tank sumabog; 10 sugatan

March 10, 2024 Edd Reyes 91 views

GINULANTANG ng dalawang pagsabog ang mga residente ng Brgy. Tambo, Paranaque City kasabay ng pagragasa ng tubig at pagkawala ng power supply na nagresulta sa pagkakasugat ng 10 tao noong Sabado.

Unang inakala ng mga residente na tsunami ang rumagasang tubig mula sa rooftop ng 11-storey na gusali sa Quirino Avenue, Brgy. Tambo dakong alas-9:40 ng gabi.

Natangay ng pagragasa ng tubig ang ilang motorsiklo at e-bike bago natuklasang sumabog pala ang malaking tangke ng tubig sa itaas ng gusali na sinundan ng pagsabog ng transformer ng mabagsakan ng ilang nasirang bahagi ng building.

Isinugod sa Ospital ng Paranaque ang walo sa 10 na nasugatan, kasama si John Will, 13, na nabalian ng buto sa kanang paa at si alyas Sabrina, 6, na nabagsakan ng debris ng nasirang gusali.

Dinala din sa ospital sina alyas Mourisha, 19; Richard, 27; Malouvienne, 21; Maria Delmar, 27; Jemuel, 35; at June, 46.

Kasalukuyan pang inaalam nina P/SMS Jay Nino Taduran at P/MSg. Gerry Mislang Jr. ng Investigation Section ng Paranaque Police ang dahilan ng pagsabog.

AUTHOR PROFILE