Paul Gutierez

Wala pang sablay sa target ang BOC!

June 4, 2024 Paul M. Gutierrez 159 views

HALOS kalahating taon na lang, “namumuro” na ang Bureau of Customs na maabot ang inaasam na ISANG TRILYON PISONG (P1 trillion) collection target para sa kasalukuyang taon.

At bakit naman hindi, kasamang Vic Reyes, dahil sa ikalimang sunod na buwan ngayong 2024 ay muling nahigitan ng BOC ang target collection nito para sa buwan ng Mayo ng 2.6 percent.

Ito’y matapos kumolekta ang aduana ng P81.75 bilyon, mas mataas sa target na P79.62 bilyon o katumbnas nga na 2.6 percent. Ang halagang ito ay higit na mas mataas din ng 4.9 percent kumpara sa halagang nalikom sa kaparehong buwan noong 2023 na P77.92 bilyon.

Kung mananatili ang masigasig na pangongolekta ng mga kagawad ng ahensiya sa pamumuno ni Commissioner Bienvenido Rubio, hindi nakapagtataka kung masungkit ang P1 bilyon koleksyon sa pagtatapos ng taon.

Tila inspirado ang mga district collector ng BOC dahil mula Enero hanggang Mayo ay nakapag-pasok na sa kaban ng bayan ng tumataginting na P381.34 bilyon koleksyon, at siyempre, higit nahigitan pa rin ang target na P366.047 bilyon collection target.

Ang mga numerong ito ng koleksyon ay mas mataas din ng 6.13 percent o katumbas na P22.039 bilyon sa kaparehong panahon mula Enero hanggang Mayo 2023.

Kung hindi tayo nagkakamali, tanging sa administrasyon lamang na ito sa ilalim ni Pangulong Bongbong Marcos nakamit ang ganitong pagpasok ng koleksyon na mula umpisa ng taon hanggang sa halos kalagitnaan ay laging nahihigitan ang target koleksyon.

Ibig sabihin nito, mataas ang respeto ng mga pamunuan ng BOC kay PBBM, at nais nilang ipamalas na “unity” at “teamwork” ang mabisang susi upang makamit ang anumang direksyon na nais tahakin.

Marahil pa, nais din ipamalas ng mga kawani ng aduana na tapos ang mga panahon na laging inaakusahan at nasasangkot sa mga usapin ang BOC na isa sa pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan.

Kaya’t dahil sa pambihirang ipinapamalas ng ahensiya, marahil ay wala na sa isipan ng publiko ang mga negatibong aspeto na dati ay nakakabit sa pangalan ng BOC.

Ibinida naman ng kagawaran na epektibong susi sa mahusay na revenue koleksyon ay ang tuloy-tuloy na monitoring sa mga value at klasipikasyon ng mga imported commodities upang matiyak na tama ang mga duty at taxes na binabayaran at nakokolekta ng ahensiya.

Patunay na inspirasyon kay Rubio at sa buong BOC ang mahusay na pamamaha;a ni PBBM ay ang kanyang pahayag: “Guided by President Ferdinand R. Marcos, Jr., the BOC remains steadfast in its commitment of enhancing revenue collection and contributing to the economic growth of the country. We are proud of this achievement and will continue to work tirelessly to maintain this positive momentum.”

Kaya sa pamunuan ng BOC, asam natin ang patuloy na mataas na koleksyon para sa mas marami pang makabuluhang proyekto at programa ang maisagawa ng ating gobyerno.

Kaisa n’yo rin ang inyong lingkod sa inyong pag-asam na st pagpupursige para maabot ang minimithing ISANG TRILYONG PISO na koleksyon para sa 2024!

AUTHOR PROFILE