Tirzo

Vilma parang nagsisimula muli sa acting career

October 18, 2023 Aster Amoyo 296 views

MASAYANG-masaya ang Star for All Seasons na si Vilma Santos na nakapasok sa 49th Metro Manila Film Festival ang reunion movie nila ng kanyang perennial screen partner na si Christopher de Leon, ang “When I Met You In Tokyo” dahil ito ang pagbabalik niya sa MMFF after 19 years. Ang huli niyang MMFF entry ay ang “Mano Po III: My Love” nung 2004. Ang huli niyang nagawang pelikula ay ang “In My Life” nung 2016 and that was about seven years ago.

Alam ni Vi na sabik na ang kanyang mga fans na muli siyang makita sa big screen dahil nag-focus siya noon sa politics.

Ang pakiramdam nga ni Vi ay muli siyang nagsisimula sa kanyang acting career.

Magiging masaya rin ang 70th birthday celebration ni Vi sa darating na November 3 dahil magsisilbing birthday gift sa kanya ang pagkakasali sa 2023 MMFF ng “When I Met You in Tokyo”.

Memorable kay Vi ang darating na Pasko dahil bukod sa MMFF entry, first time din siyang magsi-celebrate ng Pasko na meron na siyang apo, si Isabelle Rose or Baby Peanut (anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola) na matagal na rin niyang inaasam.

MMFF 2023 selection committee nahirapan sa pagpili ng Top 10

SharonMatteoMarianDerekZigDanteMallari1BeckyBroken1NAHIRAPAN ang Selection Committee ng 49th Metro Manila Film Festival na pinamumunuan ng (dating) veteran film producer na si Jesse Ejercito na piliin ang natitirang Final 4 na kukumpleto sa 2023 MMFF with overall chairman Atty. Romando Artes with Atty. Rochelle Ona as MMFF Executive Director na piliin ang apat out of 30 finished films submitted to the body.

Nang mapili ang Final 3 na papasok sa Magic 8 na siyang mapapasamang official entries ay nahirapan silang i-break ang Nos. 8, 9 & 10 na magkaka-tie. Ang isa sa mapipili ay siyang papasok sana sa No. 8. Pero dahil sa palagay nila ay pare-parehong magaganda at mahirap i-break ang tie ng tatlong pelikula, nag-desisyon ang MMFF management na gawin nang sampu ang kalahok na pelikula sa taong ito as opposed to the traditional 8 na kasali sa taunang Christmas MMFF.

Ang anim na pelikulang pinili based on finished products ay ang “Firefly” nina Alessandra de Rossi, Euwenn Mikaell, Yayo Aguila at iba pa at kung saan may special participation si Dingdong dantes with Zig Dulay at the helm and produced ng GMA Films and GMA Public Affairs, pangalawa ang “GomBurZa” na tinatampukan nina Dante Rivero, Cedric Juan at Enchong Dee kung saan may special participation si Piolo Pascual. Ito’y pinamahalaan ni Pepe Diokno under Jesuit Communications and Saranggola Productions. Ang pangatlo ay ang “When I Met You in Tokyo,” ang reunion movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon na dinirek ni Rado Peru under JG Productions, Inc. Ang pang-apat ay ang “Becky and Badette” nina Eugene Domingo and Pokwang na pinamahalaan ni Jun Robles Lana under TheIdea First Company and Octoberian Films, panlima ang “Mallari” nina Piolo Pascual and Janella Salvador at dinirek ni Derick Cabrido under Mentorque Productions at ang pang-anim ay ang “Broken Hearts Trip” nina Christian Bables and Jaclyn Jose na pinamahalaan ni Lem Lorca under BMC Films.

Nung July 10, 2023, ang Top 4 film entries were announced based on scripts submitted to the MMFF Selection Committee at ang mga naunang napili ay ang “A Family of Two (A Mother and Son Story” under Cineko Productions na pinamahalaan ni Nuel Naval at pinangungunahan nina Sharon Cuneta at Alden Richards. Pangalawa ang “(K)ampon” nina Beauty Gonzales at Derek Ramsay directed by King Palisoc under Quantum Films at OctoArts Films, ang “Penduko” ng Sari-Sari Networks, Viva Films and Studio Viva na tinatampukan nina Matteo Guidicelli at Cristine Reyes at dinirek ni Jason Paul Laxamana at ang pang-apat ay ang balik-tambalan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera after 13 years, ang “Rewind” na pinamahalaan ni Mae Cruz-Alviar and jointly produced ng Star Cinema, APT Entertainment at AgostoDos Films (ni Dingdong).

Sa 30 finished films na isinumite sa MMFF Selection Committee, 24 na pelikula ang hindi pinalad na makapasok at kasama na rito ang “Shake, Rattle & Roll Extreme” ng Regal Entertainment, “Nocturno” ng Viva Films and Evolve Studios na pinagbibidahan ni Nadine Lustre at dinirek ni Mikhail Red ng “Deleter” na siyang nanguna sa 2022 MMFF, “Pieta” nina Nora Aunor at Alfred Vargas na dinirek ni Adolf Alix, Jr., “Mananambal” nina Nora Aunor ng BC Entertainment Productions, “Poon” na dinirek din ni Adolf Alix at tinatampukan nina Ronaldo Valdez, Gina Pareno, Janice de Belen, Ara Mina, Lotlot de Leon at Jaclyn Jose, ang “That Kind of Love Story” ng magka-loveteam na sina Barbie Forteza at David Licauco under ALV Films. Hindi rin nakapasok ang dalawang entry ni Joel Lamangan, ang “Lola Magdalena” at ang “Ang Ina Mo” maging ang”In His Mother’s Eyes” kung saan tampok na mga bituin sina Maricel Soriano, Roderick Paulate at LA Santos na siyang directorial movie debut ni F.M. Reyes at marami pang iba.

Ang sampung pelikulang napili for this year’s MMFF ay maghahati-hati sa mahigit 800 theaters nationwide.

Ang taunang Parada ng mga Artista ay gaganapin sa CaMaNaVa area on December 17 habang ang Gabi ng Parangal is on December 27 while the film festival starts on Christmas Day, December 25 hanggang January 7, 2024 the following year.

Ngayong naisapubliko na ang sampung pelikulang maglalaban-laban sa nalalapit na 49th Metro Manila Film Festival, kani-kanya nang hulaan kung alin sa mga kalahok ang mangunguna at mangungulelat sa takilya. Maging daan din kaya ito sa muling pagbabalik sa mga sinehan ng mga manonood tulad ng pre-pandemic time?

Iba-iba ang opinyon ng mga showbiz insider. Bagama’t naniniwala ang mga miyembro ng MMFF committee na magaganda talaga ang mga napili nila ayon sa kanilang panlasa, may mga hindi umaayon lalo na ang mga taong nasa likod ng mga pelikulang hindi napili.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE