Vendor ‘KOLEKTOR’–Positibong kinilala ng mga vendors sa Carriedo at at Platerias St. ang suspek na nagpapakilala umanong kolektor ng MPD. Kuha ni Jon Jon Reyes

Vendor ‘kolektor’ ng MPD tiklo

October 6, 2023 Jonjon Reyes 185 views

NATIMBOG ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) ang isang 42-anyos na nagpapanggap na kolektor ng payola ng mga pulis sa entrapment operation sa Quiapo, Maynila noong Huwebes.

Nakilala ang kolektor sa alyas Roberto ng Oroquieta St., Sta Cruz, Manila.

Natimbog ng mga tauhan ni Police Captain Rowell Robles, hepe ng Plaza Miranda Police Community Precinct, ang nagpapakilalang kolektor.

Bandang 8:45 ng gabi nang dalhin sa tanggapan ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng MPD-Sta. Cruz Police Station 3, ang suspek dahil sa sumbong ng mga vendors sa Carriedo at Platerias St. sa Barangay 307, Quiapo, Manila.

Nagpapakilalang kolektor ng MPD ang suspek, ayon sa mga pulis. Hinihingian ng suspek ng P20 ang bawat pwesto sa nasabing mga lugar

Dahil dito, agad na nagsagawa ng entrapment sina Police Master Sergeant Sandro Cris, Police Staff Sergeant Sid Ahdel Abueg, Police Corporal Nazarene Dela Peña, Patrolman Christopher Montes at Patrolman Melmarc Ibarra kaya nahuli ang suspek.

Nang iharap sa mga vendor, positibo nila itong kinilala at itinuro. Narekober sa suspek ang 4 na P20 na marked money at cash na P1,030.

AUTHOR PROFILE