DOH

Unang kaso ng Omicron subvariant FE.1 naitala sa PH

June 19, 2023 People's Tonight 388 views

NAITALA SA bansa ang unang kaso ng COVID-19 Omicron subvariant FE.1, ayon sa Department of Health (DOH).

Ang FE.1 o XBB.1.18.1.1 ay nakita umano sa genome sequencing na isinagawa mula Mayo 29 hanggang Hunyo 12, 2023.

Ang FE.1 ay isang sublineage ng Omicron XBB subvariant. Ito ay kasama sa listahan ng variants under monitoring (VUM) ng European Centre for Disease Prevention and Control. \

Ayon sa DOH na-detect ang variant na ito sa 35 bansa.

“Limited information is available for the variant and researchers are currently characterizing FE.1 in terms of transmissibility, immune evasion, and ability to cause more severe disease,” sabi ng DOH.

Sa nabanggit na genome sequencing, nakapagtala naman ng 206 kaso ng Omicron BA.2.3.20; 34 na XBC; anim na BA.2.75; apat na BA.5; at 26 na iba pang Omicron sublineages.

AUTHOR PROFILE