TVJ1

TVJ, ipinakilalang endorsers ng Puregold

June 22, 2023 Ian F. Fariñas 275 views

TINUPAD ng Puregold owners ang pangako sa Tito, Vic and Joey na hindi nila iiwan ang mga ito kahit pa balitang tatlo taon pang advance ang ad placement ng kumpanya sa rebranded Eat Bulaga ng GMA Network.

Kahapon, pormal nang inanunsiyo ang pagiging opisyal na endorsers nito ng tatlong icons.

Makikita sa larawan kasama ni Aling Puring, ang brand icon ng Puregold, ang grupo nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, na pumirma ng kontrata bilang pagpapatuloy sa kolaborasyon.

Ipinagpapatuloy nito ang mahaba at makabuluhang pakikipagtambalan ng Puregold sa TVJ.

Sa pagsisimula ng kumpanya, noong wala pang 50 ang Puregold branches, nakipagtambalan sila kina Vic at Joey.

Ngayong mahigit 500 na ito sa buong bansa, kinumpleto na nila ang trio dahil kasama na rito pati si Tito Sen.

Maliban sa Puregold, usap-usapan din ang pagsama ng iba pang sponsors sa paglipat ng TVJ sa TV5 simula July 1.

AUTHOR PROFILE