Tupad

TUPAD cash aid

December 28, 2021 People's Tonight 255 views

Masayang tumanggap ang 325 na benepisyaryo ng cash assistance na P4,000 mula sa TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) program mula sa DOLE na ginanap sa Ynares Center kamakailan. Nanguna rin si Mayor Andrea “Andeng” Ynares sa pamamahagi ng livelihood assistance sa apat na Antipolenyo beneficiaries na nakatanggap ng Negosyo Package (Rice retail at Frozen Goods Package) na may halaga ng halos P30,000 bawat isang package. Bukod dito ay nakatanggap din ng siyam sa ating mga kababayan ng cellphone na may kasamang 5,000 peso load, sapatos at bisekleta mula kay Senator Christopher ‘Bong’ Go.

AUTHOR PROFILE