Transwoman

Transwoman tiklo sa P10K sex kotong sa kelot

March 15, 2024 Jonjon Reyes 94 views

INARESTO ng mga operatiba ng Manila District Anti-Cybercrime Team Office ang transwoman na nagbantang ikakalat sa social media ang maselang video ng estudyanteng lalaki na kanyang nakarelasyon.

Nahaharap sa kasong Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 ang suspek na si alyas Nicz, 25, transwoman na tubong Tayum, Abra at nakatira sa Guadalupe Nuevo, Makati City.

Tinimbog ang suspek sa reklamo ng complainant na 24-anyos na estudyante at residente sa isang condominium unit sa Malate, Maynila.

Ayon sa biktima, nakilala niya ang transwoman sa Bumble dating app. Naging online sweetheart sila at kalaunan, nagkita ng personal sa Makati kung saan sila nagkaroon ng sexual encounter.

Sa pagkakataong iyon, walang paalam na binidyo ng suspek ang kanilang ginawa na siya ngayong ginagamit para i-extort ang biktima ng halagang P10,000.

Nagbanta ang suspek na ipapakalat ang sensitibong video sa social media kapag hindi nagbigay ang biktima ng hinihinging halaga.

Agad nagsagawa ng entrapment ang mga awtoridad sa napagkasunduang lugar sa isang convenience store kung saan naaresto ang suspek.

AUTHOR PROFILE