Ortega

Transport sector natuwa sa extension ng franchise consolidation ng PUVs

January 5, 2024 People's Tonight 117 views

SUPORTADO ng mga public utility vehicles (PUVs) ang desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palawigin pa ang consolidation ng prangkisa ng mga pampublikong sasakyan sa bansa.

Ayon sa Presidential Communications Office, sinabi ni Office of Transport Cooperatives (OTC) Chairman Jesus Ortega na pinakinggan ni Pangulong Marcos ang hiling ng mga kooperatiba na palawigin ang deadline na unang itinakda noong Disyembre 2023.

“Nung nag-extend po ‘yung ating Pangulo noong Marso, ginawa po niya ‘yun para pagbigyan muli ang mga nagtatanong—being new, one year pa lang siya nun.

That was a good move on the part of the President to say ‘I am listening to you,’” pahayag ni Ortega.

“Pero nung nag-decide naman siya nung December 12 na firm na, nag-decide rin siya, nakinig rin s’ya sa majority,” sabi ni Ortega.

Pinabulaanan din ni Ortega na aabot sa P50 ang pasahe sa modern jeepneys.

“Ngayon po sinasabi nila magiging P50 after five years. With due respect sa kanila, there is no basis for that at masakit po na magsabi ng mga bagay na nakakatakot na walang katotohanan,” pahayag ni Ortega.

Ayon kay Ortega, mananatili ang P2 agwat na pasahe sa pagitan ng tradisyunal at modern jeepneys.

Sa kasalukuyan, P13 ang minimum na pasahe sa tradisyunal na jeepneys at P15 sa modern jeepneys. Ni CHONA YU

AUTHOR PROFILE