Dead

Totoy nabaril ng kalaro, dedo

February 2, 2024 Zaida I. Delos Reyes 121 views

PATAY ang isang 7-anyos na batang lalaki matapos na aksidenteng mabaril ng kanyang kalaro nitong Miyerkules ng umaga sa Davao del Sur.

Ang biktima ay nakilalang residente ng Sta. Cruz, Davao del Sur.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 9:30 ng umaga.

Ayon sa pahayag ng ama ng biktima, nakipaglaro ang kanyang anak sa isang 10-anyos na batang lalaki di kalayuan sa kanilang bahay.

Habang naglalaro ay nakakita ang dalawa ng isang improvised homemade handgun na agad na pinulot ng 10-anyos.

Sa pag-aakalang laruan ay ipinutok ng suspek ang baril na tumama naman sa dibdib ng biktima.

Nadala pa sa pagamutan ang biktima subalit hindi na nailigtas ang kanyang buhay.

Nanawagan naman ang ina ng biktima na nasa Saudi Arabia na tulungan siyang makauwi ng Pilipinas para makita ang anak.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.