Marlon

TOTAL OVERHAUL ANG KAILANGAN SA BCIU NG BUREAU OF IMMIGRATION

April 22, 2024 Marlon Purification 145 views

NITONG mga nakalipas na ara ay ay pumutok ang isyu tungkol sa “Diploma for Sale” sa isang unibersidad diyan sa probinsya ng Cagayan.

Nakaaalarma na ang mga naging parokyano ng nasabing unibersidad ay pawang Chinese nationals na kung saan-saan nagmula.

Maari ring style lang ito ng China upang unti-unti silang makapagtayo ng kanilang pwersa sa ganitong diskretong paraan.

Hindi ba at ganito rin ang kanilang ginawang diskarte sa mga isla West Philippine Sea?

Dahil dito ay agad ipinag-utos ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco ang immediate crackdown sa mga tsekwa partikular ang mga nasa POGO industry na alam naman natin na siyang pangunahing pinamumugaran ng mga Chinese sa bansa.

Dagdag pa sa galaw ni Tansingco ang pagbalasa sa buong BI Border Control Intelligence Unit (BCIU) na nagbabantay sa lahat ng paliparan sa buong bansa.

Daglian ding itinalaga ang bagong BCIU over-all chief na si Immigration Officer III Vincent Bryan Allas upang tumulong at linisin ang sandamakmak na escorting modus sa airport partikular diyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 and 3 gayundin sa Mactan Cebu International Airport (MCIA), Clark International Airport (CIA) at Davao International Airport (DIA).

Sa unang linggo pa lang ng pagkaka-upo ng bagong hepe ng BCIU ay ilang interceptions na ng mga paparating na bumbay, Vietnamese at mga Intsik ang nagawang pigilan ng grupo ni Allas sa pakikipagtulungan sa BI -Immigration Protection and Border Enforcement Section sa pamumuno ng kanilang hepe na si Dong Castillo.

Upang tuloy-tuloy na ang magandang planong ito, hindi ba mas mabuti kung total revamp ang gawin ni Allas sa mga BCIU Heads nang sa ganun ay maniwala ang mga nasa airport na lilinisin niya ang kanyang bakuran?

Suggestion lang natin ito dahil iyong mga nakaraang hepe na dinatnan ay walisin din niya at mag-umpisa siya “from the scratch.”

Bunutin niya ang mga natitirang ugat sa kanyang departamento upang hindi na ito muling sumibol at tumubo ang mga new breed of species na wala pang bahid ng korapsyon.

Sa mga darating na araw ay lilibutin daw ng bagong hepe ng BCIU ang iba pang ports sa Pinas para tuluyan nang malinis ang pangalan ng BI mula sa iba’t ibang kontrobersiya na kanilang kinasasangkutan.

Naniniwala ako na para maging makatotohanan ang gagawing paglinis ni Allias dapat ay total overhaul sa kanuang departamento ang dapat gawin.

Asahan na rin natin na sa mga darating na araw ay may maninira sa kanya dahil sa gagawin niyang paglupil sa mga tiwali sa ahensiya.

Ngayon pa lang ay binabati na nation si Allias.

Well done, BCIU Chief Bryan Allas!