Purisima Binabasahan ng arrest warrant ng mga operatiba ng MPD-DSOU sa pamumuno ni P/Maj. Rommel R. Purisima ang suspek matapos na madakip sa kasong murder. Kuha ni Jon-jon Reyes

Top 5 most wanted sa Maynila tiklo sa ‘murder’

March 18, 2023 Jonjon Reyes 497 views

DAHIL sa ikinasang “One-Time, Big-Time” ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District (MPD), naaresto sa salang pagpatay matapos na matunton sa pinaglulunggaan ng 50-anyos na suspek na tricycle driver sa Lungsod ng Quezon.

Ayon kay “The Game Changer General” MPD chief Police Brigadier General Andre P. Dizon, ang suspek ay pawang residente ng Parola Compound, Barangay 20, Tondo, Maynila.

Batay sa ulat ni P/Major. Rommel R. Purisima, hepe ng DSOU, bandang 4:30 ng hapon, nang arestuhin ang suspek ayon na rin sa impormante sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Dahil na rin sa ibinabang utos ni Dizon, agad na tumalima ang mga tauhan ni Purisima sa pangunguna ni PSMS Alfredo Fabian lll at ilang tauhan ng DSOU, tinungo nila ang lugar makaraang magpositibo ang kinaroroonan ng suspek.

Ang inihaing arrest at search warrant ay inisyu ni Presiding Judge Rebecca Austria Gulilen-Ubana ng Regional Trial Court Branch 40 ng Maynila dahil sa nasabing kaso na may petsang Pebrero 23, 2023 at walang inirekomendang piyansa.

AUTHOR PROFILE