Kath

TNT KaTropa, mas pinadali at pinabilis ang pag-order ng eSIM

June 22, 2024 Ian F. Fariñas 188 views

Good news mga katropa, mas pinadali ng TNT ang paraan para maka-order ng eSIM sa pamamagitan ng QR code.

Pumunta lamang sa Smart Online Store para makuha ang TNT eSIM. Pwedeng via mobile o kaya sa web browser.

Kapag nakuha na ng subscriber ang TNT eSIM, kailangan lang i-scan ang nakalakip na QR code para marehistro ito.

Pagkatapos nito, maaari nang gamitin agad ang eSIM para makapag-Internet, makatawag, mag-text at mag-enjoy sa mga serbisyong handog ng TNT na pinalakas ng award-winning na Smart mobile network.

Marami ring paraan para mabayaran ang inyong inorder na eSIM. Pwedeng sa pamamagitan ng Maya, GCash, Spay, DragonPay at iba pa. Hindi na kailangan pang bayaran ng cash.

“Pinadali namin para sa mga TNT KaTropa ang paglipat nila sa eSIM na dinisenyo para mas madaling magamit ang mga ino-offer naming digital na serbisyo. Ngayon na maaari nang maka-order ng eSIM sa digital na paraan, agad nilang matututunan ang paggamit ng teknolohiyang bigay ng eSIM sa pamamagitan ng pinakamalakas na Smart network,” sabi ni Lloyd Manaloto, head ng Prepaid ng Smart.

“Sa pamamagitan ng eSIM, walang kahirap-hirap para magpalit ang mga subscriber ng network at hindi na kailangan pa ng pisikal na SIM card. Dahil dito, mas madali, simple, episyente at palagi silang may mobile connectivity,” dugtong naman ni Jerome Almirante, VP at head of Innovations and Digital Services ng Smart.

Mabibili ang TNT eSIM sa halagang P89 lamang, at may kasama na itong libreng 21GB na data, 10-minute All-Net Calls at 100 All-Net text para palaging nakakonek online ang mga subscriber at madalas pang makakausap ang kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan.

Maaari ring ma-enjoy ng mga eSIM subscriber ang iba pang serbisyo katulad ng kalulunsad lamang na TNT TikTok Saya 50 promo, na may kasamang Unli TikTok at 3 GB open access data para sa mga popular na app at site.

May offer din itong Unli Text sa lahat ng network na pwedeng magamit sa loob ng tatlong araw sa halagang P50.

Pwedeng gamitin ang eSIM sa anumang mobile device, mapa-Apple, Google, Huawei, Samsung at iba pang brand ng cellphone.

Dahil eSIM, ‘di na kailangang mangamba ang subscriber na masira ito, ‘di gaya ng pisikal na SIM card.

At kahit nag-iisa lang ang SIM slot ng inyong device, mas mai-enjoy n’yo ang pagkakaroon ng mas maraming linya ng komunikasyon gamit ang eSIM dahil pwede n’yong palit-palitan ang mga SIM profile sa inyong cellphone.

Ang TNT ay kinilala kamakailan bilang Philippines’ Best 5G Coverage Experience ng independent network analytics ng Opensignal.

AUTHOR PROFILE