Toni

Toni itinangging malaki ang offer ng ALL TV kaya siya lumipat

October 23, 2022 Aster Amoyo 340 views

Toni1

NASA bakuran pa ng ABS-CBN ang singer, actress, host, vlogger and movie producer na si Toni Gonzaga nang huli siyang makausap (face-to-face) ng mga taga entertainment media kaya marami rin ang nasabik na ito’y muling makaharap at makakuwentuhan.

At the press launch ng kanyang kauna-unahang reality talk show show na “Toni” sa bagong simulang ALLTV (ng pamilya Villar) na ginanap sa Coffee Project along Lopez Dive (across ABS-CBN her former home studio) ay muling humarap si Toni Gonzaga para sagutin ang lahat ng mga katanungan na matagal nang gustong itanong sa kanya.

“I choose not to dwell on issues hurled at me. Mas sinusunod ko ang desisyon ng puso ko,” pahayag pa niya.

“I choose to move forward. Lahat naman ng nangyayari sa ating buhay ay may dahilan,” dugtong pa niya.

It was last February 2022 nang mag-desisyon si Toni na mag-resign bilang main host ng reality show na “Pinoy Big Brother” ng ABS-CBN dahil sa sunud-sunod na issues na ibinabato sa kanya na nag-ugat lamang nang ma-identify siya sa kampanya noon ng dating Presidentiable now the country’s President Bongbong Marcos.

As early as 2020 nang mawalan ng prangkisa ang Kapamilya network ay may alok na kay Toni ang dalawa pang TV network pero nanatili siyang Kapamilya kahit expired na noon ang kanyang kontrata, isang indikasyon na wala siyang balak noon na iwan ang ABS-CBN na naging tahanan niya sa loob ng 17 taon.

Ang sunud-sunod na batikos sa kanya ng netizens ang nagbunsod sa kanya na umalis na rin sa Kapamilya Network. Pero siya’y nagpaalam nang maayos sa mga big bosses at nananatili umano ang kanyang respeto at paghanga sa mga ito.

Toni considers the best years of her career happened when she was with ABS-CBN at hindi umano niya `yon makakalimutan. But it’s time for her to try new things and new environment.

She also denied na malaki ang offer sa kanya ng mga Villar ng ALLTV kaya dito siya lumipat dito.

Ayon kay Toni, sila umano ang nag-pitch ng apat na magkakaibang format ng programa sa ALLTV at ang format ng “Toni” ang nakakuha ng greenlight.

Ang “Toni” ay isang daily reality talk show ng mga real life stories hindi lamang ng mga kilalang celebrities kundi maging ng mga ordinaryong tao na puwedeng paghugutan ng leksyon at inspirasyon ng mga manonood. Ang nasabing programa ay magtuturo rin ng pagiging compassionate sa halip na maging judgmental sa kapwa.

Ang kanyang pagbabalik sa telebisyon signals her 20th year in the industry pero kung isasama ang kanyang pagsali noon sa Metropop Star Search kung saan siya ang nanalo nung 1997 when she was 13, twenty years na siya. But it was in 2001 nang unang napansin si Toni sa isang sikat na TV commercial ng Sprite with Kapamilya heatthrob Piolo Pascual.

Ang linyang “I love you, Piolo” sa nasabing softdrink commercial ang tumatak sa publiko not knowing na ito na ang magiging pasaporte ni Toni sa kanyang pagpasok sa showbiz. Hindi rin niya akalain na magkakasama sila ni Piolo ng home studio, sa programang “ASAP Natin `To” at magiging magkapareha sa pelikula.

Bago naging Kapamilya star si Toni ay naging bahagi siya ng “Eat Bulaga” bilang isa sa mga co hosts from 2002 to 2005. Taong 2005 naman nang siya’y lumipat sa ABS-CBN na naging tahanan niya sa loob ng 17 taon until her departure from the network in February 2022.

Bukod sa daily reality talk show ni Toni na “Toni” on ALL TV na napapanood every day, 5 p.m. to 6 p.m., patuloy pa rin ang kanyang popular vlog on YouTube na meron nang 6.4M subscribers.

Dahil sa malaking kinikita ni Toni bilang successful YouTuber ay nakapagpatayo na umano siya ng sariling studio sa dati nilang bodega. Naging mukha man si Toni ng reality show na “Pinoy Big Brother” since the start ng programa sa Pilipinas, the main hosting job ay napunta na sa dati rin niyang kasamahan sa programa at isa sa mga closest friends niya in the industry na si Bianca Gonzalez habang kasama naman ni Toni sa bakuran ng ALLTV ang isa pa nilang kaibigan na si Mariel Rodriguez.

GeraldGerald

Julia hindi kasama ni Gerald sa Amerika

UNTI-UNTING gumagawa ng marka bilang baguhang producer ang Mavx Productions na siyang nasa likod ng “Faraway Land” nina Paolo Contis at Yen Santos (at kung saan nagsimula at nabuo ang kanilang love affair), “Ikaw” nina Janine Gutierrez at Pepe Herrera and most recently itong hit movie on Netflix na “Doll House” nina Baron Geister ata Althea Rueda.

Ang Mavx Productions din ang nasa likod ng “Unravel” nina Gerald Anderson and Kylie Padilla na kinunan pa sa Austria na dinirek ni RC de los Reyes.

While filming the movie in Austria ay isinama ni Gerald ang kanyang American dad na si Randy Gerald Anderson, Sr. na kamakailan lamang din ay isinama niyang magpakasyon sa Hawaii, USA.

Hindi man kasama ni Gerald ang kasintahang si Julia Barretto sa Amerika, nakapagbakasyon naman sila sa Singapore early this month kung saan nila pinanood ang Formula One Grand Prix race at pagkatapos nito ay nakapaglibot sila sa magagandang lugar ng Singapore.

Pic

Goodbye, Ricky Calderon

NAPAKABILIS ng mga pangyayari. It was last Friday afternoon, October 21 nang huli kaming magkita ng veteran entertainment columnist na si Ricky Calderon sa media launch ng mWell Health app ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) na ginanap sa boardroom ng MPIC in Rockwell Business Center in Pasig City. It was just a simple batian na nangyari sa amin at hindi na kami nagkakuwentuhan pa, not knowing na `yun na pala ang huli naming pagkikita dahil kinabukasan, Sabado ng gabi , October 22 ng 10:57 p.m. ay binawian na siya ng buhay.

About 10 p.m. nung Sabado ay nagreklamo umano si Ricky ng paninikip ng dibdib and he was immediately rushed to the nearby hospital kung saan siya nag-seizure until he passed on at 10:57 p.m.

Si Ricky ay makailang beses naging pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) hanggang sa ENPRESS (Entertainment Press) organization na kanilang itinatag matapos tumiwalag sa PMPC.

Throughout his career as an entertainment journalist, napakarami nang publications (both magazines and newspapers) ang kanyang pinaglingkuran. His most recent columns ay sa The Freeman at Manila Times.

Ang mga labi ni Ricky ay kasalukuyang nakalagak sa Integrity Chapel ng Sympathy Memorial Park, Manila East Road, Brgy. San Isidro, Angono, Rizal.

Sa mga mahal sa buhay ni Ricky especially his 84-year-old mother na siya mismo ang nag-aalaga, ang aming taos pusong pakikiramay.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE