Default Thumbnail

Tiktokerang Nanay pinarangalan sa Mother’s Day ni Convinced!

May 10, 2021 Marlon Purification 493 views

MASAYA ang naging pagdiriwang ng Mother’s Day sa Caloocan City nitong Linggo – hindi dahil sa pagsi-swimming ng ilan sa Gubat Sa Ciudad – kundi marami ang sumali sa Tiktok Challenge na inilunsad ng tinaguriang Milenyal na Konsehal na si Councilor Vince ‘ConVINCEd’ Hernandez.

Tinawag na Tiktoker si Mader, ang patimpalak ay binuksan para sa lahat ng Nanay, Mommy, Mader, Ermat, Ina, Lola, Mudra at Single Mom na magbibigay lamang ng kanilang Tiktok Video saka pinili ang may pinakamagandang entries.

Umabot sa 1,000 Nanay ang nagsisali sa pa-Tiktok ni ConVINCEd at 10 rito ang pinarangalan bilang grand winners, lima ang may special mention awards at 500 Momshie’s naman ang binigyan ng consolation prize.

Ang 10 grand winners ay makatatanggap ng tig-P5,000 saka trophy; may P1,000 naman kada isa ang limang special awardee at ang 500 consolation winners ay may premyong Tiktok Shirts at mga certificate mula mismo sa konsehal.

Ang mga grand winners ay sina Karolle Rasgo Navera, 24; Jean Lopido, 26; Thea Marie Pilapil, 28; Christine Sadang, 30; Jackylyn Dela Rama Polis, 30; Janine Marie Granada, 31; Ma. Crisafel B. Tumanog, 35; Janice Almoete, 39; Elizabeth Goneda Tatad, 39; Evelyn Mauricio, 46; pawang residente ng lungsod..

Kinilala naman ang mga tumanggap ng special mention award na sina Judith Abello Eugenio, 72; Mary Eileen Veraye, 34; Learica C. Valeros, 33; Marylyn Liwag, 25; at Sherelyn P. Tulio.

Ang pangalan naman ng 500 nanay na may consolation prizes ay naka-post na ngayon sa VINCE HERNANDEZ FB Page.

Masaya si Mayor Oca Malapitan sa patimpalak na ito ni ConVINCEd.

Nakatataas nga naman ito ng morale para sa lahat ng nanay na nagdiwang ng Mother’s Day dahil sa kabila ng pandemya, puwede pa rin tayong magsaya at kalimutan kahit papano ang anumang uri ng problema.

“Good job and congratulations kay Councilor Vince,” ani Malapitan.

Para kay ConVINCEd, maliit na bagay ang ganitong uri ng parangal kumpara sa napakalaking sakripisyo na ibinigay araw-araw ng ating mga Ilaw ng Tahanan.

Kaya ‘nga kahit maikli lamang ang ginawa nilang preparasyon, maihabol lamang sa celebration ng Mother’s Day, ay pinilit nilang maging successful ito.

Mas ideyal nga namang gawing on-line na lang ang selebrasyon para ma-observe palagi ang minimum health protocol.

“Wala pong umwing luhaan dahil ‘yun pong mga sumali na hindi pinalad ay nanalo din ng may consolation prize,” dagdag pa ni Hernandez.

Bilang presidente ng Sangguniang Kabataan ng Caloocan, si ConVINCEd ang pinakabatang miyembro ng Sangguniang Panglungsod ngayon, ngunit siya rin ang may mga natatanging proyekto at panukalang batas na napagtibay sa mga nakalipas na buwan.

Umpisa pa lang ng pandemya noong March 2020, si Hernandez ang pangunahing may-akda ng anti-spitting law na ipinagbawal ang pagdura, pagdahak at pag-ihi sa pampublikong lugar upang maiwasan ang higit pang pagkalat ng COVID-19. Namahagi rin ang batang konsehal ng mga basurahan para magamit ng bawat barangay, subdivisions at health centers na puwedeng pagtapunan ng mga gamit na facemask, faceshields o PPEs.

Naging patok at viral din ang isinagawa nitong PaSKCO-VIDeo Christmas Carol Competition na nilahukan ng iba’t ibang SK sa lungsod, gayundin ang nakalipas na Valentine’s I-Blog ang pag-iibigang wagas nina Lolo at Lola noong nagdaang Valentine’s Day.