Default Thumbnail

Tiktoker si mader!

May 1, 2021 Marlon Purification 334 views

Tiktok challenge sa Caloocan City ngayong Mother’s Day 

MAY pa-contest ang tinaguriang Milenyal na Konsehal Vince Hernandez para sa nalalapit na pagdiriwang ng Mother’s Day!

Ang sinumang ina, nanay o lola ay puwedeng manalo ng P5,000 sa pamamagitan ng pagsayaw o pagpapakita ng talento sa Tiktok (dalawa hanggang tatlong minuto) kasama ang kanilang anak na pawang taga-Caloocan City!

Pipili ng 10 mananalo si ConVINCEd na bibigyan ng tig-P5,000, at hahandugan pa ng bulaklak at sertipiko ng pagkilala.

Ang sinumang gustong lumahok ay maaaring magpa-rehistro o magpadala ng kanilang Tiktok video sa FB page ni ConVINCEd na VINCE HERNANDEZ simula sa darating na Linggo, May 2. Kailangan mai-email din ang naturang video sa [email protected].

Ang deadline ay sa Mayo 7, 2021 at ihahayag sa pamamagitan ng online via livestreaming ang 10 mananalo sa mismong Araw ng mga Ina sa darating na May 9.

Ang criteria for judging ay Social Media Engagement, 50%; Concept, Creativity & Style, 20%; at overall Impact ay 30% na may kabuuang bilang na 100%

Ang hindi mapipili ay may naghihintay ding consolation prizes para sa kanila.

“Sa pamamagitan ng simpleng Tiktok contest na ito, kahit paano ay magiging happy si ‘nanay’ kahit na tayo’y may pandemya, Nagtiktok lang, may limang libong piso na. Happy Mother’s Day po sa lahat ng ilaw ng tahanan, ” ani Hernandez.