Tiktok4

TIKTOK STAR OF THE DAY

April 23, 2024 People's Tonight 85 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok3KAPAG luto na ang kanin, puwedeng-puwede mo na siya ulamin, este, kilalanin. Busog na busog ang kanyang mga tagahanga sa content niyang talaga namang nakakaluwa ng mata.

Nakilala siya sa kanyang mga sexy outfit, ‘yung tipong hapit na hapit. Dahil dito, kitang-kita ang hulma ng kanyang balinkinitang katawan, na siyang sa mga kelot ay sure ball na paglalawayan.

Sa TikTok account ng online star na ito ay mapapanuod ang kanyang mga “budol finds,” kung saan ibinabahagi niya ang mga natatagpuang mga produktong sulit bilhin. Kasama rin dito ang kanyang mga “dress outfit” videos, kung saan nagbibigay siya ng inspirasyon para sa mga ootd (outfit of the day).

Marahil ay napadaan na siya sa timeline mo. Walang iba kundi si Kaela Reyes, isang Tiktok star na may lumalagong tagahanga.

Ang kanyang TikTok account na @kaetzyqt ay mayroon nang 757.2K followers at 2.8M likes. Kaya naman, huwag na magpahuli sa pagtangkilik sa kanya. Simulan mo nang maglaway kay Kaela!

AUTHOR PROFILE