Vem1

TIKTOK STAR OF THE DAY

March 13, 2024 People's Tonight 113 views

VemVem2Vem3Vem4TILA nasa kanya na ang lahat ng sangkap upang maging isang kahanga-hangang social media star. Husay sa pagsayaw, kaseksihan, ganda, talino, at talento? Makikita mong lahat ng iyan sa TikTok star na si Vemberneth Villanueva o mas kilala sa kanyang nickname na “Vem.”

Kapag binisita mo ang kanyang TikTok account na @vem_v na may halos 300 thousand followers, imposibleng hindi ka mahulog sa kanyang nakakahawang ngiti. Todo-bigay kung siya ay umindak sa mga viral songs at challenges.

Tila nakakasilaw naman ang kanyang kakinisan at kaputian ng balat kapag nagtungo ka sa kanyang Instagram account na @vem_villanueva. Ibang klase rin kung ibandera niya ang taglay niyang hotness sa mga bikini photos doon at ang kanyang pagiging fashionista.

Unang naging pamilyar sa publiko ang ngalan ni Vem nang maging trainee siya para sa Filipino idol girl group based in Manila na MNL48.

Sa kasalukuyan ay patuloy niyang inaabot ang kanyang pangarap na maging flight attendant at hindi tumigil na magningning ang kanyang ngalan bilang digital creator sa mundo ng social media.

AUTHOR PROFILE