Irwin Tieng Pormal na tinangap ni Manila 5th District Councilor Irwin Tieng ang mga plaque of appreciation kina MPD Press Corps President at District Advisory Council Chairman Francis “Kiko” Naguit at PIO Chief Police Capt. Philipp Ines, MPD Director PBGen. Leo ‘Paco” Francisco matapos na dumalo sa forum at flag-raising ceremony sa MPD Headquarters U.N, Ave., Ermita, Manila. Nakamasidsina PCol. Nicanor Salvador, MPD-DDA at Coun. TJ Hizon. Kuha ni JON-JON REYES

Tieng full support sa MPD, MPDPC

November 11, 2021 Francis Naguit 358 views

Manila councilor inilatag mga plano sa 5th district

NAGPAHAYAG ng full support si Manila 5th District Councilor Irwin Tieng sa pamunuan ng Manila Police District (MPD sa ilalim ni MPD Director PBGen.Leo M.Francisco at sa mga mamamahayag ng MPD Press Corp.

Matapos na dumalo sa isang MPDPC Forum sa U.N Ave, Ermita Manila,ay inilatag ni Tieng ang kanyang plano para sa mga Manilenyo ng 5th District ng Maynila.

Kabilang dito lingguhang feeding program, medical assistance assistance sa mga nangangailangan tulad ng mga single mother at mga senior citizens, story telling para sa mga bata at ang pakikipag usap sa mga bawat barangag upang malaman ang kanilang mga hinaing at suhestiyon.

Si Tieng ay anim ng taong nagsisilbi sa mga taga 5th District ng Maynila.

Nagpapasalamat ito sa mga Batang Maynila sa dahil sa ginawa siyang number 1 councilor ng nasabing distrito. Siya ay tatakbong congressman ng 5th district sa ilalim ng Asenso Manilenyo ni Vice Myor Honey Lacuna Pangan at Aksyon Demokratiko ni Manila mayor Isko Moreno.

Nakahanda si Tieng na tumulong sa mga kapulisan ng Maynila lalo na sa MPD PS 5, PS 9, PS 13 sa Baseco Port Area,. Ermita at Malate Manila na kanyang nasasakupan bilang konsehal ng 5th district.

Nagbigay din ng suhestiyon si Coun.Tieng patungkol naman sa pagpapanatili ng peace and order.

“Dapat ay mayroon ding mga Police Community Precinct ang mga stations ng kapulisan sa bawat boundary ng lungsod sa tulad Pasay,Makati, Pandacan at Mandaluyong papuntang Sta Ana Maynila., upang madaling masugpo ang mga kriminal na papasok sa Maynila. Kung sakaling tayo ay papalarin makalusot sa iMayo 2022 elections, lalo pa nating palalakasin at pag-iibayuhin ang pagpapaganda sa Singko Distrito ng Lungsod ng Maynila.,” dagdag ni Tieng. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE