Aubrey and Troy

The secrets that bind Aubrey and Troy

June 5, 2021 Aster Amoyo 849 views

IT was on August 25, 2002 nang maging official na magkasintahan ang celebrity couple na sina Aubrey Miles (43) at Troy Montero (49) pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kasal ang dalawa. At kung kelan naman nila planong magpakasal sa pamamagitan ng isang intimate wedding na nakatakda sanang ganapin sa Batanes nung April 23, 2020 at nakahanda na ang lahat ay hindi naman ito natuloy dahil sa pandemic na mahigit isang taon nang nananalasa hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Plinano rin ng dalawa na bumiyahe patungong Europe at doon na lamanag magpakasal pero hindi rin ito natuloy kaya pansamantala nilang tinitigilan ang kanilang planong magkapasal kahit handang-handa na ang lahat including their wedding bands na binili pa nila sa Hong Kong.

Aubrey and Troy have always wanted to have an intimate wedding with only members of their family in attendance at alam nila ito’y mangyayari sooner than later.

Sa darating na August 25 ay ise-celebrate nila ang kanilang ika-19th anniversary ng kanilang relasyon at umaasa ang dalawa na sana’y kahit isang simple civil wedding rites ay mangyari ito bago magtapos ang buwang kasalukuiyan.

“The church wedding might have to wait dahil sa sitwasyon ngayon,” ani Troy na ang parents at isa pang kapatid ay nasa Amerika.

Pina-plano ng longtime couple na magpakasal sa pamamagitan ng isang civil wedding rites to be officiated by their friend na isang mayor in one of the cities in Metro Manila.

“We’ve been planning to get married not just for overselves and our respective families kundi laluna sa mga bata,” pahayag ng Fil-American actor na si Troy.

Sina Aubrey at Troy ay may dalawa nang biological children na sina Hunter Cody Miller (12) at Rocket Miller (2) habang si Aubrey ay may isa pang 20-year-old son na si John Maurie (20) sa dati nitong kasintahang si JP Obligacion, apo ng yumaong actor-comedian na si Oscar Obligacion when the actress was only 23 years old. Eight months old naman si Maurie nang magkaroon ng relasyon sina Aubrey at Troy.

Although very close si Maurie sa kanyang stepdad na si Troy, never kinuha ng huli ang papel ng kanyang biological father na si JP. Maurie calls Troy sa kanyang first name na Cody at parang magkakabarkada lamang ang kanilang turingan kahit sa loob ng bahay. Maurie is also a loving and protective big brother sa kanyang younger half siblings na sina Hunter at Rocket.

Aubrey started her showbiz career in 1998 nang siya’y maging bahagi sa youth-oriented program ni Kuya Germs (German Moreno) na “Best Friends” sa GMA nung 1998, two years matapos mamayagpag ang “That’s Entertainment” sa ere sa loob ng sampung taon (1986 to 1996). Pero tumagal lamang ang “Best Friends” sa loob ng isang taon.

Palibhasa’y maganda, morena at sexy, Aubrey was launched into full stardom in 2002 nang gawin niya ang “Prosti” movie na dinirek ni Erik Matti. The movie was a big hit at ito’y kaagad nabigyan ng kanyang follow-up sexy movie sa pamamagitan ng “Xerex” na dinirek naman ng yumaong si Mel Chionglo. Kasunod na rito ang pag-sign-up kay Aubrey ng Bench as one of the brand ambassadors sa kanilang mga sexy fashion line including two-piece bikinis and lingeries. Naging pabalat din si Aubrey ng iba’t ibang fashion and sexy magazines including FHM kung saan dalawa beses siyang nag-land sa cover in 2002 and 2004 bukod sa sa ilang beses siyang pumasok sa Top 10 and Top 100 ng FHM Magazine. Naging sunud-sunod din ang paggawa noon ni Aubrey ng pelikula including romance-comedy movies tulad ng “Gagamboy” kung saan siya naging leading-lady ng dancer-turned actor-comedian and TV host na si Vhong Navarro.

Troy Montero (Cody Adrew Garabato Miller III) came to Manila for a short vacation. Pero ang short vacation na `yon ang nagdala sa kanya para maging isa sa mga hosts ng musical-dance show na “Keep on Dacing” sa ABS-CBN in 1998 na tumagal hanggang 2000. Sa nasabing show ay nakasama ni Troy ang kanyang ex-girlfriend, ang dating beauty queen-turned actress-host-dancer na si Charlene Gonzales, Melissa Henderson at Gem Ramos. Then lumipat sina Charlene at Troy ng ABC-5 (now TV5) for the same format pero iba na ang titulo, “Eezy Dancing” kung saan kasama pa rin sa show si Franco Laurel with Maribeth Bichara, Nini Ricci Alagao at Ralion Alonzo.

“I was not actually a dancer,” pag-amin ni Troy na naging matiyaga umano sa kanya ang kanyang mga dance instructor hanggang matuto siyang sumayaw.

Matapos magsimulang magkapangalan sa telebisyon ay kinuha na si Troy bilang actor sa ilang pelikula at kasama na rito ang 1999 launching movie ni Jessa Zaragoza sa OctoArts Films, ang “Bakit Pa” kung saan din sa isa mga leading men si Diether Ocampo mula sa panulat at direksiyon ni Jose Javier Reyes. Magmula noon ay naging tuloy-tuloy na ang pagiging actor ni Troy sa Pilipinas where he opted to stay permanently kasunod ang kanyang younger brother na si KC Montero.

Inamin sa amin ni Aubrey na kahit sa Amerika ipinanganak at lumaki si Troy ay kuhang-kuha na umano nito ang Filipino culture and values. At sa tagal na ng kanilang relayon, alam na nila pareho i-handle ang kanilang mga sarili kapag nagkakaroon sila ng tampuhan or disagreements.

Itong pandemya ay nagdala sa kanila at kanilang mga anak na lalong maging close sa isa’t isa at kapag okey nang bumiyahe ay gusto nilang magbiyahe together with the kids. Bukod sa kanilang pamilya, nakapagsimula rin sina Aubrey at Troy ng kanilang sariling YouTube channel na ang content ay tungkol sa kanilang pamilya at ang pagkahilig ni Aubrey sa paghahalaman where she has a huge following. Nagba-vlog na rin ang panganay na anak ni Aubrey na si Maurie na siyang nag-encourage sa kanyang mom at kay Troy na pasukin na rin ang pigiging YouTuber.

“Now, we’re enjoying doing our vlogs,” pahayag ni Aubrey na sinang-ayunan naman ni Troy.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE