Teama

Tatay ni Kim, nag-panic sa #newblessing socmed post ng anak

March 10, 2023 Ian F. Fariñas 366 views

PATI pala ang ama ng aktres na si Kim Molina, nag-panic at inakalang seryoso ang #newblessing post ng anak sa social media kamakailan.

Gaya ng netizens, inisip ng daddy ni Kim na buntis na ang anak courtesy of long-time partner Jerald Napoles.

Sa mediacon ng bagong fun-serye ng reel/real-life couple na Team A, ikinuwento ni Kim na kinailangan niyang tawagan ang ama para linawin ang isyu.

“Ang nangyari po kasi n’yan,” panimula ng aktres, “nag-post kami nu’ng hashtag new blessing. When I posted it, I needed to call my dad agad. Tapos, sakto nu’ng tumawag ako sa daddy ko, palabas na siya para maghanap ng signal. ‘Anak, ano ‘yung post mong ganyan? Parang malalaman pa ng buong mundo bago ako ah.’ Hahaha! Ganyan.”

Wala naman naging kaso sa kampo ni Jerald dahil aniya, siya ang tipong hindi na kailangan hingin o kunin ang opinyon ng magulang sa mga bagay-bagay.

“Hinahayaan na lang ako nu’n (mommy niya),” dagdag pa ng komedyante.

Ilang araw matapos ang controversial post inamin ng showbiz pair na ang #newblessing ay ang comedy series nga nila mula sa Viva Entertainment, Sari Sari Channel at TV5.

Ang Team A ay kwento ng pamilya Ambida nina Ian (Jerald), Janet (Kim) at anak na si Yeye (Gianna Iguiron) na magiging masalimuot dahil sa pakikialam ng ina ni Janet na si Violeta Bagsic (Yayo Aguila) at tatay ni Ian (Anjo Yllana).

Kasama rin sa comedy series ang alagang aso ng KimJe na si Itlog.

Sa Sabado, March 18, 9:30 p.m., na magpa-pilot ang Team A sa TV5 na may catch-up episodes tuwing Linggo, 9 p.m., sa Sari Sari Channel Cignal Ch 3 simula March 19.

AUTHOR PROFILE