Rob

ROB, INISNAB NG ‘THE VOICE’

March 10, 2023 Jun Nardo 427 views

SINUBUKANG mag-audition ng Vicor artist na si Rob Deniel sa The Voice via online.

Sa kasamaang palad, naisnab ang husay niya sa pagkanta pero naging masuwerte at winner naman si Rob nang ilabas sa streaming platforms ang nine singles niya, kabilang ang Ulap na halos 90 million ang hits sa Spotify, YouTube at iba pang platforms, huh!

May bagong single na inilabas si Rob, ang Ang Pag-ibig, na nag-premiere ang music video sa YT last week.

Eh, kahit maraming hit singles, plano ring gumawa ng full-length album ni Rob na magiging available sa mga streaming platform at released ng Vicor Music.

Hindi pangkaraniwan ang boses ni Rob na patok sa music lovers sa panahon ngayon.

AUTHOR PROFILE