Default Thumbnail

Tamad, corrupt walang puwang sa LTO-NCR

June 22, 2023 Jun I. Legaspi 340 views

WALANG puwang ang “tamad”at “corrupt” sa Land Transportation Office-National Capital Region Office (LTO-NCR).

Ito ang malinaw na mensahe ni LTO-NCR Regional Director Roque I. Verzosa III sa unang meeting kamakailan ng mga district chiefs ng agency sa LTO-Central Office mula ng maging isa na uli ito.

Sinigundahan ito ni Hanzley H. Lim, Officer-in-Charge Assistant Regional Director ng LTO-NCR na nagsabing ito ang mahigpit na tagubilin ni Secretary Jaime J. Bautista at OIC Assistant Secretary and LTO Chief Atty. Hector A. Villacorta.

“Malinaw po yung mensahe nila Sec. Bautista at Assec. Villacorta at ito ang sinusunod namin ni RD Verzosa, mahigpit na ipatupad ang Ease Doing Business at ang Anti-Red Tape upang masigurado na mabigyan na mataas na kalidad na serbisyo ang publiko,” saad ni Lim.

“Tama po bawal dito yan sa agency kung sino man ang sangkot sa anumang illegal activities at mapatunayan wala po tayong spare, tanggal agad sa serbisyo,” saad ni Lim.

Ayon kay Lim, gumagawa na ng iba’t-ibang pamamaraan upang maibsan ang anumang kakulangan ng agency.

“Pro-active po tayo at yan din ang bilin natin sa ating mga empleyado lalo na po yung mga nasa frontline. Dapat laging maayos ang serbisyo ng agency. Kung kailangan mag adjust agad para matapos ang serbisyo. Dapat gawin agad,” saad ni Lim.

Iginiit ni Lim sa lahat ng 66 na district chiefs ng agency sa LTO-NCR na dapat walang fixers na nagkalat sa kanilang mga areas of jurisdiction, upang walang mga inosenteng kliyente na mabiktima.

“Dapat tayong magtulungan upang maibigay ang pinakamahusay na serbisyo sa publiko,” saad ni Verzosa.

Binati rin ni Verzosa at Lim ang 33 personnel ng agency na pumasa sa examination na ibinigay ng Civil Service Commission (CSC).

AUTHOR PROFILE