Default Thumbnail

Tama ang ginagawang paghihigpit ng BOC

November 22, 2023 Vic Reyes 157 views

Vic ReyesTAMA ang ginagawang paghihigpit ng Bureau of Customs (BOC) para hindi makapasok sa bansa ang lahat ng “threats” sa atin.

Hindi lang mga illegal na droga, na kagaya ng shabu, cocaine at ecstasy, ang hindi dapat makalusot sa mga ports of entry sa buong bansa.

Pati mga exotic plants and animals na puwedeng may dala-dalang sakit ay kasama diyan sa ginagawang paghihigpit ng ahensya.

Kaya nga ang lahat ng importasyon natin ay kailangang may import clearance galing sa concerned government agencies.

Kamakailan lang ay kinumpiska ng BOC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang parcel na naglalaman ng “exotic pests.”

Galing ng Thailand, ang parcel ay naglalaman ng 50 “isopods” na walang import clearance mula sa Bureau of Plant Industry (BPI).

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na “isopods are invertebrates belonging to the greater crustacean group that eat dried hardwood and leaves.”

“Without backbones, isopods can survive and breed in enclosures with soil and humidity,” dagdag pa ng BOC statement.

Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, a former intelligence officer, na ang “isopods were misdeclared as candies.”

Inulit din ni Commissioner Rubio na lalabanan nila ang ismagaling sa pamamagitan ng “strict border controls and reforms.”

****

Mabilis talaga ang pag-usad ng panahon.

Sa isang linggo ay Disyembre na naman. Isang buwan na lang ay matatapos na ang taong 2023 .

Papasok na ang 2024 na may 366 days at hindi 365 days.

Ang susunod na taon kasi ay isang “leap year under the Gregorian Calendar.”

Ang mga kinakabahan dito ay ang mga opisina ng gobyerno na may kanya-kanyang targets, kagaya na lang ng Bureau of Customs (BOC).

Sa taong ito ay kailangang mahigitan o maabot man lang ng mga taga-BOC ang kanilang napakataas na 2023 revenue collection target.

Naatasan ng gobyerno ang ahensya na mangolekta ng P901.3 bilyon sa 2023.

Sa tingin ng maraming waterfront observers, kabilang na ang mga broker, ay kayang namang abutin nina Commissioner Bienvenido Y. Rubio ito.

Ang kailangan lang ay palaging ipaalaala ni Commissioner Rubio sa kanyang mga tauhan ang kahalagahan ng “hard work.”

Kung minsan kasi ay may mga lingkod-bayan na kahit na walang ginagawa basta nasa opisina sila ng walong oras ay tama na sa kanila.

Ito ang mga non-performing government officials and employees.

Isang bagay lang ang kinakakatun natini, ito ang muling pagtaas ng collection target ng BOC para sa 2024.

Masyado ng mahirap ‘yan kapag itinaas ang collection target, siguradong itatas din ng BOC ang duties and taxes.

Kapag nangyari ito, taumbayan na naman ang tatamaan dahil magtataasan na naman lahat ng presyo ng bilihin.

Tsk tsk tsk…

***

Marami na naman ang mga nagkakasakit dahil sa pagdating ng holiday season sa bansa.

Kung buwan kasi ng Disyembre ay nagsisimula ng lumamig ang hanging nanggagaling ng Siberia, lalo na sa madaling araw.

Usong-uso na naman ang ubo at sipon sa mga bata at pahirap din ito sa mga may rayuma.

Sana may sapat na supply ng mga gamot at bitamina sa mga syudad, munisipyo at barangay health centers sa buong bansa.

Sa sobrang taas ng presyo ng mga gamot ay napipilitan ang marami nating kababayan na kesa pumunta sa doktor ay sa mga erbolaryo na lang sila nagpapagamot.

Hindi natin sila masisisi dahil talaga namang hindi nila kayang magpunta sa mga doktor dahil sa kakapusan ng pera.

Alam naman natin na sobra na taas ng mga bilihin.

(Para sa inyong komento at suhesiyon, mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE