Korean

‘Tale of the Nine Tailed’ sa GMA Heart of Asia

October 8, 2021 Ian F. Fariñas 472 views

Mananaig ang pag-ibig sa kabila ng kadiliman sa pinakabagong handog ng GMA Heart of Asia na South Korean drama series na Tale of the Nine Tailed simula Oktubre 11 sa GMA Telebabad.

Kinahumalingan ng maraming viewers ang naturang South Korean drama dahil sa star-studded cast at interesting plot nito na pinaghalong romance, Korean folk tales at horror elements.

Ang serye ay pinagbibidahan ng mga kilalang artista na sina Lee Dong-wook bilang Leon, Jo Bo-ah bilang Gia at Kim Bum bilang Ram.

Si Leon, isang nine-tailed fox, ay dating mountain guardian sa bundok ng Baekdudaegan.

Matapos mawala ang kanyang mortal na first love, isinuko niya ang kanyang posisyon at piniling mamuhay bilang tao ng ilang siglo upang hanapin ang reincarnation ng kanyang iniibig.

Samantala, nagtatrabaho si Gia sa isang TV station bilang producer ng supernatural documentaries. Noong bata pa siya, nasangkot siya sa isang aksidente at mahiwagang nawala ang kanyang mga magulang.

Naaalala niya ang isang lalaki na nagligtas sa kanya sa aksidente na si Leon pala.

Sa kasalukuyan, muling nagkrus ang landas nina Leon at Gia at pursigido silang hanapin ang mga kasagutan sa kanilang nakaraan.

Huwag palampasin ang pinakahihintay na premiere ng Tale of the Nine Tailed simula Oktubre 11, 9:35 ng gabi, sa GMA Telebabad.

Kapuso shows, wagi sa 2021 Asian Academy Creative Awards

Tinanghal na National Winners ang ilang programa ng GMA Network sa 2021 Asian Academy Creative Awards.

Ibig sabihin nito ay magiging kinatawan sila ng Pilipinas sa darating na Gala Night ngayong Disyembre at makikipagtagisan sa mga entry ng ibang bansa sa Asya.

Dalawang award ang napanalunan ng 24 Oras. Isa rito ang national winner sa “Best News Programme” category para sa Special Coverage nito ng Typhoon Ulysses sa Luzon.

Ang report nito na Typhoon Ulysses Marikina Rescue naman ang nagwagi bilang “Best Single News Story/Report” sa Pilipinas.

“Best Current Affairs Programme or Series” naman ang ire-represent ng Reporter’s Notebook para sa Lilibeth, Sonia, Frank and Nabel dokyu nito.

Sa ikaapat na sunod na taon, tinanghal na “Best Infotainment Programme” ang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Winning episode ngayon taon ang kuwento ng Baby Switching na talaga namang tinutukan ng mga manonood at naging laman pa ng mga balita.

Tinalo naman ng All-Out Sundays ang ibang entry mula sa Pilipinas nang iuwi nito ang “Best General Entertainment Game or Quiz Programme” award.

Double win din ang natanggap ng The Lost Recipe dahil ito ang pambato ng Pilipinas sa “Best Editing” at “Best Visual or Special FX in TV or Feature Films” categories.

AUTHOR PROFILE