Ria Atayde

Sylvia sa engagement ni Ria Atayde: ‘Deserve mo yan anak’

February 23, 2024 People's Tonight 112 views

MASAYANG-MASAYA ngayon ang aktres na si Sylvia Sanchez sa engagement announcement ng anak na si Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Sa kanyang Instagram post, Pebrero 23, sinabi niyang, “Happy ako sobra ara sayo Potpot Sophia Atayde. Deserve mo ‘yan dahil napakabuti mong anak.”

Kalakip ng caption ay ang video kung saan makikita ang hotness overload ni Ria.

Sa iba pang post ng aktres, sinabi niyang “perfectly matched” umano ang dalawa, na-approve naman ng netizens.

Matatandaang, Pebrero 20, isinapubliko ng dalawa ang kanilang engagement at iflinex pa ni Ria ang kanyang solitaire diamond engagement ring.

Sa Instagram story naman ni Zanjoe, excited na itong makita si Ria, walking down the aisle at may “pa-hello fiancé” pa itong caption.

Bumuhos naman ng pagmamahal mula sa netizens ang nasabing posts ng mag-ina.

AUTHOR PROFILE