Default Thumbnail

Suspek sa ambush ng fotog naaresto

July 11, 2023 Melnie Ragasa-limena 247 views

HAWAK na ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa mga suspek na tumambang umano sa pamilya ng isang photojournalist sa Quezon City.

Isa umanong hired killer ang naarestong suspek, na isa sa limang mga suspek sa pananambang at pamamaril sa mag-anak ni Remate photo journalist Joshua Abiad.

Ito ang laman ng press conference Martes na ipinatawag ni QCPD PBGen. Nicolas Torre III sa Kampo Karingal.

Ang suspek ay nahuli ng mga tauhan ng QCPD sa bahagi ng Muntinlupa City ayon kay Torre .

Lumalabas sa imbestigasyon ng QCPD na isang dating chairman ng isang barangay sa Pasay City ang mastermind sa tangkang pagpatay kay Abiad.

Mga aliases at hindi muna pinangalanan ng pulsiya ang apat na iba pang suspek kabilang na ang itinuturong mastermind.

Sabi ni Torre, ang nakikitang motibo ay ang umanoy duda ng barangay chairman na si Abiad ang source ng mga negatibong impormasyon na nakukuha ng media laban sa dating kapitan.

Patuloy ang isinasagawang follow up operation ng QCPD sa iba pang mga suspek.

Ang apat na taong gulang na pamangkin ni Abiad na isa sa mga tinamaan ng bala ang naging casualty sa nangyaring pananambang.