Default Thumbnail

Speaker sa NPA Masbate attack: Bakit?

March 26, 2023 People's Tonight 261 views

NAGTATAKA si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kung bakit tila wala nang pinipiling lugar na aatakihin ang New People’s Army (NPA) matapos ang sunod-sunod na engkwentro sa pagitan ng mga komunistang rebelde at ng mga sundalo sa Masbate na malapit pa sa mga paaralan.

Matatandaang isang sundalo ang namatay at lima naman ang sugatan, kabilang ang dalawang sundalo , dalawang pulis, at isang menor de edad na sibilyan, bunsod ng bakbakan ng dalawang panig sa naturang lalawigan.

Sinuspinde na rin muna ang face to face classes sa Masbate at balik-blended learning ang mga bata doon.

Ayon kay Speaker Romualdez, “di ko talaga makita ang logic sa pag-atake nila (NPA) sa mga lugar ng mga sibiliyan at pagtatanim nila ng mga bomba doon.”

“Paano kung mga bata galing sa eskwela ang makatapak ng bomba? E tapos ang kinabukasan ng mga batang yun,” dagdag ng House Speaker.

Paalala pa niya sa NPA, mahigpit nang ipinagbabawal ng United Nations ang paggamit ng land mines ng anumang bansa o armadong grupo na nakikibaka sa isang gobyerno.

AUTHOR PROFILE